Malakas ang kutob ko kung bakit kami nandirito sa lugar na ito. Kung tama ang hula ko, ay ang katawan ko ang hinihinging kapalit ni Yoseph sa perang hinihiram ko sa kanya. Nabigla man ako na ganito palang mag-isip si Yoseph ay wala na rin naman akong magagawa. Hawak niya ang alas. Kung ito lang ang paraan para mairaos ko ang pambayad sa operasyon ni Nanay, pikit-mata kong gagawin. Ang pakonsuwelo ko na lang, si Yoseph ang lalaking pag-aalayan ko ng sarili ko. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako o nae-excite nang pumasok na kami sa isang unit. Malamang ay unit ni Yoseph ito dahil dere-derecho lang kaming umakyat, at hindi naman kami nasita sa lobby. Tila may mga insekto sa loob ng tiyan ko habang naglalakad ako papasok sa unit ni Yoseph. Pakiramdam ko rin ay hindi sumasayad ang