After five years… Birthday ni MJ bukas, kaya nandito ako ngayon sa department store para bilhan ito ng regalo. Ang bilis lang ng limang taon, pitong taon na bukas si MJ. Kanina pa ako nag-iikot, pero hindi ko pa rin mapagpasyahan kung anong bibilhin ko. Five years ago, madali pa silang bilhan ni AJ ng regalo. Kahit anong laruan o t-shirt lang, tuwang-tuwa na sila. Pero ngayon mapili na sila sa gusto nila. Ang mga bata talaga ngayon.... Naisipan kong lumipat sa Shoes Section. Ivi-video call ko na lang si MJ pagdating ko doon para siya na ang pumili ng gusto niyang rubber shoes. Pero bago ako makarating sa mga sapatos ay may umagaw ng atensiyon ko. May isang batang lalaki na nakatayo, at umiiyak habang palinga-linga ito. Nawawala siguro... pambihira naman ang magulang na kasama