Nagising akong masakit ang buong katawan ko, lalung-lalo na iyong pagitan ng mga hita ko. Hindi ko rin alam kung anong oras na. Nakahiga pa rin ako dito sa kama ni Yoseph, kung saan, ilang beses kaming nagtalik nito. Akala ko ay isang beses lang mangyayari. Pero wala akong lakas ng loob na humindi, at naging sunud-sunuran na lang sa gusto ni Yoseph. Naisip ko na lang na ito na rin ang magiging mga huling alaala ko kay Yoseph. Dahil doon ay bumalik sa alaala ko iyung mga maiinit na mga eksena namin. Hindi na maalis sa memorya ko iyong erotikong mukha ni Yoseph sa tuwing magsasanib na ang mga katawan namin. Stop, Xyrene! Tantiya ko ay gabing-gabi na. Kailangan ko na palang makaalis para makausap ko ang doktor ni Nanay bukas ng maagang-maaga. Kailangang maihanda na si Nanay sa operasyon n