Wow, friend! Buti ka pa, nakapag-umpisa ka na ng sarili mong business!" masayang sabi ni Peachy. Magkakatabi kami sa labas ng puwesto ko ng laundry shop. Pinagmamasdan namin ang itsura nito dito sa labas. Nasa ibaba iyon ng isang condotel sa may kanto ng kalye papunta sa bahay namin sa tapat ng AMCO gasoline station nila Yoseph. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Tapos na tapos na ang design at pagkaka-ayos mg mga washing machine at dryers sa shop. Anumang oras ay pwede ko na itong buksan, at mag-operate. May nakuha na rin akong dalawang staff na tutulong sa akin. "Kailangan, eh. Maraming gastos. Isa pa, baka maubos iyung perang galing kay Yoseph na puro palabas lang. At least ito, kumikita," sagot ko. May dalawang buwan na rin nang maoperahan at makalabas ng ospital si Nanay. Tagump