Present time... Naririnig ko ang mga boses nila Peachy at Myles, pero hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila. Nandito ako sa likod ng receiving desk, at nakatingin lang ako sa labas ng laundry shop. Naka-upo naman iyong dalawa kong kaibigan sa harap ng mesa ko. Lagi kasing may nakatambay na mga monobloc chairs dito sa shop para sa mga customer namin na naghihintay ng mga nilabhan at pinalaba nila. Ilang araw na ang nakalipas mula noong aksidente kaming nagkita ni Yoseph sa mall. Pero hindi ko pa rin mapagtagni-tagni iyung mga naging kilos ni Yoseph ngayong nagkita kaming muli pagkatapos ng maraming taon. Hindi ba niya talaga ako nakilala? Hindi naman ako nagpalit ng mukha. Ito pa rin namang iyong mukhang kinasuklaman niya noon. Higit pa roon, bakit hindi niya alam ang pangalan