Naghihikab na isinara ko ang gate namin. Inaantok na ako, pero kailangan ko pang manatiling gising para makasalo ko sina Nanay, Xenia at mga pamangkin ko sa almusal. Unang suweldo ko ngayon sa trabaho ko, kaya bumili ako ng pagkain na pagsasaluhan naming lahat. Dumaan ako sa sikat na fastfood na malapit sa gasolinahan ng AMCO sa may kanto. Matagal na rin akong kinukulit ng dalawang pamangkin ko na bilhan ko sila ng pagkain doon. Pagod at inaantok man, pero hindi matutumbasan ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sa unang pagkakataon ay nabilhan ko ng pagkain ang pamilya ko na galing talaga sa pinaghirapan ko. Pagkapasok ko sa main door ay agad kong idinerecho ang dala kong mga pagkain sa kusina. Ibinaba ko ang mga lalagyan sa mesa, at saka nagmamadaling lumabas na uli para gisingin silang