CHAPTER 29 - MONTHSARY

2038 Words

"’Nay! Tanggap na ako sa inaplayan namin nila Peachy!" Masaya kong pagbabalita kay Nanay. Kadarating ko lang galing sa aming huling interview nila Peachy at Myles. "Actually, tanggap kaming tatlo!" "Iyong call center?" tanong ni Nanay. "Oo, ‘Nay... so sa unang sahod ko, wala ka nang kawala. Ipapa-checkup na kita. Ayoko na ‘yang sakit-sakit ng ulo mo na ‘yan! Magkakaalaman na tayo, kung ano bang dahilan nung pagsakit ng ulo mo," sagot ko, at saka ako lumapit dito para yakapin siya. "Paano ‘yung pagna-Nursing mo?" tanong nito. "Pansamantala lang naman ito, ‘Nay. Habang wala pa iyung result ng board. Kailangan kasi natin ng panggastos dito sa bahay. Eh, paubos na rin iyong ipon ko. ‘Yung sahod naman nung mag-asawa, kulang pa rito sa dalawang makulit na to!" sabi ko, sabay yakap sa dalawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD