"Xyrene. Tulala ka na naman...." Ilang araw na akong bigla na lang natutulala. Ilang araw na akong ganito. Gusthin ko mang magka-ayos kami ni Yoseph kahit bilang magkaibigan na lang, alam ko namang hindi iyon mangyayari sa ngayon. Sa nakita ko kay Yoseph, hanggang langit ang pagkasuklam niya sa akin. Sa tingin ba niya, pinaglaruan ko siya? Ang damdamin niya? Kung meron mang napaglaruan dito, ako 'yun. Pinaglaruan ako ng sarili ko. Pinaniwala ako ng sarili ko na tama ang naging desisyon ko. Nilingon ko si Myles, at saka pilit ngumiti. "Okay lang ako. Naisip ko lang… Kaya pala ganun ang tingin sa akin ni Yoseph. Siya nga na super yaman, hindi tiningnan ang estado ko sa buhay. Ako ang niligawan. Pero ako. Ako na mahirap. Ako na walang-wala, iyon agad ang hinanap ko. Kung saan ako may