Nasa tapat ako ng elevator sa ground floor ng hospital nang tumawag si Xenia na siyang nagbabantay ngayon kay Nanay sa ICU. Bumili kasi ako ng tanghalian naming dalawa. "Xyrene! Gising na si Nanay!" sabi nito, pero hindi ko na siya nasagot kasi bumukas na ang pintuan ng elevator. Pinatay ko na agad ang tawag, at nagmamadali akong sumakay. Magkahalong excitement at saya ang nararamdaman ko ngayon. Kung pwede lang akong lumipad para makapunta agad sa ICU room ni Nanay. Sa third floor lang ang destinasyon ko, pero pakiramdam ko ay sobrang tagal bago ako makarating doon. Ding! Napabuga ako ng hangin nang marinig ko na ang hudyat na nakarating na ang elevator sa pangatlong palapag. Halos takbuhin ko na ang papunta sa ICU nang makalabas ako ng elevator. Ang saya-saya ko sa isiping posibleng