CHAPTER 34 - LAKAS-LOOB

1712 Words

"Miss, pwede na nating i-schedule ang clipping surgery ng Nanay mo sa Saturday. I hope may hawak ka nang pera. Kahit hindi pa buo. At least, it will serve as your deposit dito sa hospital, para ma-push na natin ‘yung surgery. Baka kasi hindi pumayag ang hospital kapag wala kayong down,” pahayag ng doctor ni Nanay. Napatango na lang ako, pero agad ding lumipad ang isip ko. May hawak naman akong pera, pero sobrang liit nun. Galing iyon sa natitira kong ipon, sa padala ni Tita Lily kailan lang, at mula sa kontribusyon sa mga ka-trabaho ko. Ni wala pa nga yata sa ten percent ang hawak ko na pera sa total ng babayaran namin dito sa hospital. Balak ko ring mag-resign na sa trabaho ko, dahil mas kailangan ako ni Nanay. Hindi rin naman ako mapapakali sa trabaho kung papasok na ako, at tiyak na k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD