Kanina pa ako nakauwi ng bahay. Kanina pa rin ako dito sa harap ng salamin sa kuwarto, pinagmamasdan iyong bagong kulay ng buhok ko, habang sinusuklay ko ng daliri ko. Kuhang-kuha ‘yung kulay na gusto ko! Halos maghapon kami sa parlor ni Randell. Actually, ako lang pala. Iniwan muna niya ako doon, habang nakasalang ako sa hair color. May dumating daw kasing investor sa opisina nila, at kailangan niyang estimahin. Tamang-tama naman na nung bumalik siya ay patapos na rin ako. Bago kami pumunta sa parlor ay kumain muna kami. Pero kumain uli kami pagkasundo niya sa akin. Nag-take out pa kami ng pasalubong para kina Nanay, kaya halos hapunan na rin nang makarating kami dito sa bahay. "Nakaharap ka nga diyan sa salamin, pero tagus-tagusan naman ang tingin mo." Napahinto ako sa ginagawa ko,