[Natasya's POV] "NATASYA anak, gumising ka diyan ngayon din." sabad ni mommy habang natutulog pa ako. Kakasikat pa nga lang ng araw at sobrang inaantok pa 'ko! "Inaantok pa po ako, my!" patamad at inaantok kong daing. "Kailangan nating pumunta sa bahay nina Chance ngayon din." Isiniksik ko ang mukha ko sa unan ko. Tamad pa talaga akong bumangon. "Why?" "Si Chance... may hindi raw magandang nangyari kay Chance. Tumawag sa akin bago lang ang mommy niya." Sa narinig, mabilis na bumangon ako at parang nawala lahat ng antok ko. "Ano?! May nangyari kay Chance?" Sinulyapan ko si daddy sa likod ni mommy na pareho nito ay nakaayos na rin at naghahanda na sa pag-alis. Tumango si daddy sa akin. "Oo, kaya halika na, anak." ani mommy. Mabilis na naghanap ako ng tsinelas at hindi na alintana