Naunang natapos kumain si Lieven at Farah kaya nang paalis na ang dalawa at nagbabayad palang ng bill namin si Chance ay sobrang nagmamadali na ako. "Hurry up, Chance! Let's go!" sabi ko sabay hila na sa kamay niya. Nag-abot ng card niya si Chance sa cashier kaya medyo matagal pa bago nai-process ang bayad. "Sandali lang, may sukli pa 'ko, Natasya." maamong sinabi niya. Nagkwenta at nagbilang pa ng pera ang kahera kaya nakalabas na ng restaurant sina Lieven at Farah ay hindi pa rin naibibigay kay Chance ang sukli niya. Naiinip at natataranta na talaga ako sa pagmamadali. "Uhm, miss, pwedeng pakidalian ng change ng kasama ko? Nagmamadali kasi kami eh!" nababanas ko nang sinabi. "Ay, opo, maam! Heto na po yung sukli ninyo, sir. Thank you and please come again!" Mabait na nginitian at