DUMATING ang mga order namin at nagsikain kami. Panay ang kwentuhan ng dalawang sina Farah at Lieven sa table nila at mayamaya ang tawanan samantalang kami ni Chance ay tahimik lamang sa pagkain. Makwento din naman ang huli sa akin ngunit hindi ako ganoong nakakapag-focus sa mga sinasabi niya dahil panay ang sulyap ko sa kabilang table... nagmamasid, nag-oobserba, at nagbabantay. Naalarma pa 'ko nang bigla nalang sweet na nilagyan ni Farah ng steak ang pinggan ni Lieven. "What's this, Fah?!" nakatawang tanong ng lalaki sa kasama. "Steak. Try it, Lev. Masarap, promise!" pa-sweet at pabebeng sagot ng Farah! Ngumisi at umiling si Lieven. "You know I'm not a fan of steak, Farah." Humalakhak si Farah. "I know. I know it since we've been together through the years. But trust me, this one's