Frustrated kong itinapon ng basta nalang ang cellphone ko sa malambot kong swivel chair. Bla bla bla! Whatever, Chance! Sirang-sira na ang mood ko ngayong umaga kaya wala akong panahong intindihin pa ang pinagsasabi ng kaibigan ko sa lenggwahe niyang hindi ko naman maintindihan! Tamang-tamang alas onse akong umalis ng opisina para pumunta na sa restaurant kung saan magkikita kami ni Chance na paniguradong naroon din sina Lieven at Farah. "Natasya!" marahang kinaway ni Chance ang kamay pagkapasok ko palang sa sliding door. Nakuha kaagad nito ang atensyon ko. Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko hindi ko talaga kayang ngumiti ngayon. "Buti nandito ka na. Please, take a seat." aniya nang makalapit ako sa table namin at ipinaghila ako ng upuan. "Salamat, Chance." May dumating kaaga