21

1050 Words

"NATASYA, sayo yata 'to." ani kuya Zander nang pumasok sa opisina ko dito sa Wynnfor Apparel. Inilapag niya ang basag na relos sa table na binigay sa akin ni Chance noon. Nagulat ako't nanlumo nang hinawakan at kinuha ito. Basag ang salamin, sira, at hindi na talaga gumagana. Hindi na magagamit pa. Sayang naman... "Nakita kong suot-suot mo 'yan noon kaya alam kong sayo 'yan." Nag-angat ako ng tingin sa kapatid ko. "Sa'n mo 'to nakuha, kuya? Ba't basag-basag at sira na 'to?" "Nakita ko 'yan sa may tabi ng fountain nu'ng hotel noong birthday mo. Basag at sira-sira na 'yan nang makita ko. Pinulot ko lang dahil alam ko talagang sayo 'yan." Sa huling pagkakaalala ko, nilapag ito ni Lieven nang hubarin sa palapulsuhan ko para palitan ng bagong relos na regalo ng huli at tuluyan ko ng naka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD