Pagkapasok nila, pinanuod ko ang mga likod nila habang naglalakad palayo sa akin. Hindi maiwasan ng kalooban kong magngitngit lalo pa't nang ipinulupot ng Lieven na 'yon ang braso sa baywang ni Natasya at nagpatianod lang naman ang dalaga na parang wala lang iyon sa kanya, ang ginawa nito, na parang sanay na siya at komportable na kahit ano pang gawin nito. Parang kani-kanina lang, magkasama kami ni Natasya... ngayon pinanunuod ko nalang ang paglayo niya sa akin kasama ng iba... Hindi ako nagtagal dito sa entrada at pumasok din ako. Nakita ko silang dalawa pa rin ang magkasama sa iisang table at magiliw na nagkukwentuhan at marahang nagtatawanan. Palihim ko silang pinanuod mula sa di kalayuan. Sumandal ako sa isang stool sa gilid habang pinanunuod pa rin sila. Bigla pang gusto ko nang s