[Chance's POV]
"TU es tellement beau, fils." magiliw na sinabi ng ina ko habang nasa harap ako ng salamin at tinitingnan ang sarili ko.
(Ang gwapo naman ng anak ko.)
Napangiti ako sa kanya sa salamin. "Merci, mère."
(Salamat, ma.)
She made me face her. Inagawan niya ako ng ginagawa nang siya mismo ang nag-ayos ng tie ko.
"Masaya ka ba kapag nakikita at nakakasama mo si Natasya?"
Tumango ako, walang planong itanggi ang tunay na nararamdaman ko.
"Opo, ma."
"Glad to hear that. Masaya akong marinig na masaya ang unico hijo ko."
Marahang niyakap ko siya.
"Salamat po, ma."
"Syea. Sige na." aniya nang magdistansya kami. "Maghanda ka na sa pag-alis natin."
Tumango ako. "Sige po."
Pagkalabas ni mommy sa kwarto, tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. I smiled as I've felt contented with what I look tonight. Violet polo inserted in a slack and tucked with a belt. My hair's waxed.
Kinuha ko ang regalo ko para kay Natasya bago ako lumabas ng kwarto.
Nakarating kami sa enggrandeng hotel convention na kasalukuyang pinagdarausan ng birthday party ng dalaga.
"Happy birthday, hija!" masayang bati ni mommy sa dalaga tapos nakipagbeso rito at nagyakap.
Gano'n din ang ginawa ni daddy.
"Thank you po, tita, tito!"
Can't help myself but be amused again with her beauty tonight. She's wearing an all black deity stretch halter bodycon dress with a purse on her hand and her hair's wavy.
Can't help but smile and stare with her beauty. She has really never fail to amuse me.
"Happy birthday, Natasya..." magiliw kong bati.
I gave her my birthday gift.
"Thank you, Chance!"
I kissed her cheek and embraced her. I think I am getting addicted with her flowery fragnance.
"Good evening po, tita, tito." bati ko naman sa mga magulang niyang magigiliw din ang salubong sa amin pati na ang kapatid niyang si Zander.
"Pa'no ba 'yan? I guess, maiwan na muna namin kayo dito, mga anak ha?" anang ina niya.
Tumango si Natasya. "Sige po, my."
"Chance, you stay here. Samahan mo si Natasya sa pagwe-welcome ng iba pa niyang mga bisita." bilin naman sa akin ni mommy.
Tinanguhan ko ang ina. "Opo."
"This way please, Mr. and Mrs. Scottville." iginiya na ng mga magulang niya ang mga magulang ko.
Maging si Zander, nagpaalam na rin muna sa amin para puntahan ang mga kaibigan.
Naiwan kaming dalawa ni Natasya dito sa entrada at nagwe-welcome ng mga invitees niya.
"Happy birthday, hija!" patuloy na bati sa kanya ng mga dumarating na sa palagay ko'y mga business associates nila or mga kapamilya o kaya nama'y mga kaibigan ng mommy't-daddy niya.
"Salamat po, tita Mercedes!" magiliw niyang tugon sa mga dumarating at nakikipagbeso sa mga ito.
She's just so lovely!
"Best fren! Happyhappy birthday!" hyper na bati rin ni Eden nang dumating kasama si Hades.
I don't know what's the real score between the two right now, pero parang nagkakamabutihan sina Eden at Hades.
"Thank you, best fren!" halakhak na tugon ni Natasya sa kaibigan.
Si Hades din binati ang kasama ko tapos tinapik naman ako sa balikat.
"You're together again, huh!" nanunuksong ngisi ni Natasya sa dalawa.
"Aba! Nagsalita ang hindi magkasama!" balik tukso ni Eden sa kaibigan at nakakalokang nagpabalik-balik ng tingin sa amin ni Natasya.
I just smiled and chuckled.
"Tigilan mo nga kami! 'Wag kami ni Chance ha! He and I are friends! 'Wag kang malisyosa, Eden!"
Humalakhak ang huli. "Oh ba't ka defensive? Wala naman akong sinasabi ha!"
"Tse!"
Humahalakhak pa din si Eden nang kumapit na sa braso ni Hades at tuluyan nang tumuloy sa loob.
"What do you think is the real score between those two?" makulit kong sabad kay Natasya.
Tiningnan niya ako.
I winked at her. "Eden and Hades..."
Marahang humalakhak siya. "Ewan ko pero sa tingin ko, type nila ang isa't-isa."
"We're thinking the same then!"
Ngumisi lang siya't umiling tapos nagpatuloy sa pagwe-welcome ng mga bisita niya.
Napansin ko pa ang mayamaya niyang paglingon sa kung saan-saan na para bang may hinahanap o hinihintay.
Minabuti kong magtawag ng waiter para dalhan kami ng maiinom. Kumuha ako ng dalawang baso para tag-iisa kami ni Natasya.
"Nat, gusto mo?" I generously offered her.
Tipid siyang ngumiti at kinuha ito. "Salamat, Chance."
Gusto ko pa sanang makipag-usap o makipagkwentuhan ng kung ano sa kanya pero mukhang abala siya sa kung sinong hinihintay at hindi mapakali.
"Natasya!"
Napatingin kami sa lalaking bagong dating at tinawag ang pangalan niya. Maganda ang ngiti nito at halos umabot din sa tenga ang ngiti ng dalaga dahil sa pagdating ng bisitang ito.
"Lieven!"
She ran towards that guy to give him her warmest tight embrace.
"Happy birthday, Tasya!" bati nito habang hinahaplos ang mukha ni Natasya.
"Salamat, Lev! Akala ko hindi ka na makakarating!"
The guy whose name is Lieven pouted at her. "Pwede ba naman 'yon? Syempre, hindi pwedeng wala ako sa 24th mo!"
Sa sobrang saya, niyakap ulit ni Natasya ang lalaki.
Nakaramdam ako ng selos. Hindi ko siya nakitang ganyan kasaya kanina no'ng ako ang dumating at bumati sa kanya...
"Anyways, here's my gift for you. Happy birthday again, sweetie!"
Excited na tinanggap niya ang regalo. "Hmmn... Ano kayang laman nito?"
"Open it so you'll know." nakangisi nitong sagot.
Para bang sa isang iglap, nawala ako sa paningin ni Natasya at hindi na napansin dahil nakatuon na ang kanyang atensyon sa bagong dating na bisita.
"Laters." nakangisi rin niyang sagot. "Doon nalang sa loob mamaya. Let's go now?"
Tumango ang lalaki. "Let's go."
Akmang aalis na sila nang sa wakas naalala ni Natasya na nandito pa ako.
"Anyways, Lev, ito nga pala si Chance. Yung sinasabi ko sayong newly found friend ko sa N-Bar. Chance, this is Lieven." pinakilala niya kaming dalawa.
Lieven extended a hand on me. "Pare!"
Tiningnan ko ang nakataas nitong kamay na naghihintay sa pagtugon ko. Ilang sandali kong pinabayaan 'yon pero tinugon ko rin kinalaunan. "Pare."
"Papasok na kami sa loob, Chance. Ikaw? Hindi ka pa ba susunod sa mommy't-daddy mo sa loob?" ani Natasya.
Magaang ngumiti ako at umiling. "Okay lang. Dito lang muna ako, susunod nalang ako mayamaya."
"Sure ka, okay ka lang dito?"
I nodded giving her/them assurance. "Sige. Basta kung mainip ka dito, you can go anytime inside, ha?"
Ngumiti ako at tumango. "Oo."