Kung saan-saan pa napunta ang usapan namin. Wiling-wili na 'ko sa pakikipag-usap sa kanya nang bigla namang sumulpot ang magaling kong kaibigan.
"Hi, friend!" ani Eden at naupo sa visitor's chair.
Sinulyapan ko nga't tinaasan ng kilay. "Yes? What are you doing here?"
"Wow! Taray!" tumawa siya. "Sungit ni Deputy General Manager ngayon ah!"
Ngumisi ako. "Hindi naman. I'm just busy."
"Busy daw pero nasa cellphone ang buong atensyon at pangiti-ngiti pa!"
Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy ako sa pakikipag-chat kay Lieven.
"Ano ba 'yan? May ka-chat ka 'no? Sino kaya? Si fafa Chance ba 'yan?" nanunukso na si Eden ngayon.
Inangatan ko nga ng tingin at kinunutan ng noo. Ba't si Chance?
Sinubukan ko nalang i-divert ang atensyon sa kanya.
Tinukso ko rin siya. "Bago mo ako intrigahin, 'diba ako ang dapat na nagtatanong sayo... the last time we were in N-Bar, ba't bigla nalang kayong nawala ni Hades ha? Saan kayong dalawa pumunta?"
Umiwas siya't nakita kong namula ang mukha niya. Marahang natawa ako. I think she's guilty of something she cannot say to me. Sus, ang friendship ko luma-love life na rin ulit ngayon!
"Yiee." ngisi ko sa kanya.
"Syea. 'Wag mo nga'ng dina-divert sa akin ang usapan! Balik tayo sayo!" palatak niya. "'Wag ka na nga'ng mag-deny! Nakwento na sa akin ng mommy mo na pinasyal ka raw ni Chance sa rest house n'ya no'ng isang araw."
Hindi ko naman ide-deny iyon.
"Yeah. Malapit kasi yung planta ng mga prutas sa rest house niya sa bayan kaya hayun, pinasyal n'ya ko doon."
"So, ano? Lume-level up na ba friendship ninyong dalawa? Friends turn into lovers na ba itey?"
Si Eden talaga kung anu-anong sinasabi!
Inilingan ko na nga lang at nagpatuloy lang sa pagcha-chat kay Lieven.
"Uy, hindi na siya makasagot oh! Pa'no kasi, busy na kaka-chat with her lover boy!"
Loka-loka talaga ang kaibigan ko lalo pa't nang sinulyapan ang cellphone ko.
Napawi naman ang ngiti niya at nginusuhan ako. "Si Lieven ang ka-chat mo at hindi si fafa Chance?"
I smiled at her. Kinikilig ako sa long conversation namin ni Lieven!
"Dzai naman! Ba't si Lieven?"
Bakit hindi si Lieven?
Imbes na pansinin, pinabayaan ko nalang ang lokaret. Sinulyapan naman ulit niya ang cellphone ko tapos tinuro ang pop icon ng chat ni Chance.
"Uy, si Chance, china-chat ka din pala oh! Replayan mo din kaya, girl?"
Actually, kanina pa 'yang chat ni Chance pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makapag-reply kasi nga busy pa 'ko kay Lieven.
"Hay naku, hindi ko talaga maintindihan sayo, girl kung ba't obsessed na obsessed ka diyan sa Lieven na 'yan gayong kung tutuusin, Chance is a lot better than him naman talaga 'no!"
Sinulyapan ko nga. No need to compare the two men. Iba si Chance at iba din si Lieven.
"Chance is my friend. He is really a very good friend of mine. Walang namamagitan sa aming dalawa ni Chance." pagkaklaro ko.
"Talaga lang ha? Eh alam naman kaya ni Chance na hanggang very good friend nalang talaga ang papel niya sa buhay mo, girl?"
Tumango ako. "I know he knows it very well."
"Sigurado ka diyan? Mamaya baka umasa sayo yung tao ha! Ano ba kasi? Wala na ba talagang pag-asa?"
"Anong pag-asa?"
"I mean... lumalabas kayo ni Chance together, nagkakamabutihan ng loob... ano 'yon? Wala lang talaga 'yon sayo?"
"Eden, alam ni Chance kung hanggang saan lang kami at isa pa, wala naman siyang sinasabing gusto niya ako."
"Walang sinasabi kasi baka wala pa talagang lakas ng loob na sabihin! Malay mo, naghihintay lang ng tiyempo, girl!"
Umiling nalang ako.
"Natasya Wynnfor, tapatin mo nga ako." inagaw bigla ng baliw sa akin ang cellphone ko.
"What now, Eden? Give me back my phone!"
"Kung magkaibigan lang naman pala talaga kayo ni Chance at hanggang doon lang talaga ang turing mo sa kanya... why are you enjoying his company then when you're with him? You are so joyful when you are together na parang kayong dalawa lang ang mga tao sa mundo! Magkaibigan lang 'yon, girl?"
"Oh, well..." I shrugged my shoulder. "Chance is always there when I need him. He's always there whenever I'm sad and whenever I'm not feeling well... It's not so bad to be with him because after all, he's fun to be with... Sa tingin ko, wala namang masama roon at oo, 'yon din naman ang magkaibigan para sa akin."
"Naku, girl, tigilan mo ako sa paganyan-ganyan mo ha! Sa tingin mo hindi mo napapaasa yung tao sa tuwing lalapit ka't makikipagmabutihan sa kanya? Tell me honestly, Natasya, aren't you just making him an option whenever you're bored and Lieven's not around? Aren't you just using him to take revenge with the latter whenever you caught Lieven being clingy with his ex Farah? 'Wag mong mamasamain ha? Pero tingin ko talaga ginagamit mo lang si Chance para pagselosin si Lieven, girl, and I find it not good at all!" sunod-sunod na litanya niya.
Natahimik ako... Well, hindi ko naman siguro kasalanan kung nagkakataong nandiyan lagi si Chance tuwing masama ang loob ko kay Lieven 'diba?
"Whether it's intentional or not, girl... nakakasakit ka ng taong napapaasa mo, promise!"
"I never told anything to Chance para umasa siya..." katwiran ko naman.
"Kahit pa. Kahit wala kang sinasabi pero kung yung ginagawa mo, ganu'n pa din ang nais iparating sa tao! Naku, girl ha! 'Wag kang ganyan, that's kinda' bad and heartbreaking on Chance's part. Kung gusto mo, sabihin mo ng diretso pero kung ayaw mo naman, then be frank para hindi na siya umaasa pa sa wala at masaktan ng sobra!"
Fine. Ikaklaro ko na kay Chance kung ano at hanggang saan lang talaga kaming dalawa oras na nagkita ulit kami sa bar ko pagkatapos ng birthday ko! Sasabihin ko nang si Lieven talaga ang gusto ko at wala nang pag-asa pa ang ibang lalaki dahil si Lieven lang talaga ang hinihintay ko! Tatapatin ko na nang matahimik na itong lokaret kong kaibigang si Eden!
"Alam mo hindi ko kasi maintindihan kung ba't Lieven ka nang Lieven gayong pangalan palang nila ni Chance, nagsasabi na kung sinong nagsasabi ng totoo sa dalawa! Lieven stands for a big lie while Change is hope. Kung ako sayo, do'n ka nalang sa taong mas makabuluhan ang pagpapakita ng sincerity sayo!"
Nawe-weirduhang tinawanan ko nalang siya sabay iling. Ang daming alam ni Eden! Daming hugot sa buhay!