17

1068 Words
"Come on, trust me. Hindi mo pagsisisihan 'to." patuloy niya sa masuyong pangungumbinsi sa akin saka susubuan pa talaga ako! Alanganin man pero ginawa at sinubukan ko pa rin. Wala naman sigurong masama kung susubukan 'diba? Kinagat ko ang maliit na slice ng manggang may bagoong na sinubo niya sa akin at ayoko pa sanang nguyain man lang no'ng una pero nang dumikit sa dila ko ang pinaghalong alat ng bagoong at tamis na asim ng hinog na mangga, parang gusto ko nang bawiin bigla ang mga sinabi kong hindi naman masarap at nakakadiri. It actually tastes delicious! "How's it?" confident niyang tanong. Sunod-sunod na tumango ako. "Tama ka, hindi nga masama. Ang sarap pala!" Humalakhak siya. "See? Sabi sayo hindi mo 'to pagsisisihan eh!" Ngumiti ako at sobrang sabik na nagsubo ulit ng manggang may bagoong. I never thought it would taste this great! Nagpatuloy din siya sa pagkain. Swear, ang lakas niyang kumain ng bagoong! Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng paghanga sa kanya. Who would ever thought that the handsome, euro billionaire Chance Scottville actually enjoys a lot more of bagoong! Marahang natatawa ako sa naiisip ko habang pinanunuod siya sa matakaw na paglantak sa mangga at bagoong. He doesn't look like a City boy at all, now he looks more like of a probinsyano. Simple at walang kaarte-arte. "You're smiling like I did some crime. What is it this time?" he asked me playfully. Nakangiting umiling ako. "Wala naman. Hindi ko lang kasi lubos akalain na ang isang Chance Scottville pala ay malakas kumain ng mangga at walang patawad kung lumantak ng bagoong!" Nakakahanga kasi kahit may dugong european siya pero ang pagiging pinoy niya, dala-dala pa rin niya kahit ilang taon rin siya nanatili sa bansang France. Hindi siya kagaya ng ibang mga lalaking porket mayayaman at may sinabi sa buhay, napupuno na ng kaartehan sa katawan at sa mga kinakain. Chance's quite different and I like it about him! Humalakhak siya. "Oo naman! Ano bang akala mo sa akin? Porket french-blooded, hindi na pwedeng tangkilin ang mga pagkaing pinoy kagaya ng manggang may bagoong? Come on! Pinoy pa din ako at palagi kong ipagmamalaki ito!" Exactly my point. I'm so grateful I've met a friend as amazing as this man! Tanghali na nang hinatid ako ni Chance pauwi sa bahay. Pagkarating ay diretso kaagad ako sa kwarto para magpalit ng house dress at sumalpak sa kama. Napagod ako sa paglilibot-libot namin sa malawak na planta ng mga prutas kaya ramdam ko kaagad ang antok. Papatulog na ako nang tumunog bigla ang cellphone ko at nakitang si Chance ang nag-text. Chance: Thank you sa pagsama sa akin ngayong araw. I really appreciate it. Je t'aime. Je t'aime? Ano 'yon? Obviously, that's a french word that's why I can't understand. Tamad na akong mag-google translate para alamin pa ang meaning ng salitang 'yon sa ingles kaya imbes na pasakitin pa ang ulo ko sa pagre-research, patamad na tinapon ko nalang ang cellphone ko sa gilid at tuluyang nagpatangay sa antok. Je t'aime... *** "MORNING, baby. Birthday mo na next week! Are you excited?" malambing na ani mommy isang umaga pagkagising ko. Masilang tumango ako. "Morning, mom! Yeah, I'm excited." "So, may mga lists ka na ba ng mga ii-invite mo?" "Uhm, sa ngayon po I have friends in my mind tapos yung iba, kayo na po bahala ni daddy." I know, hindi talaga mawawala sa malalaking selebrasyon ang mga business partners at mga business associates sa mga negosyo namin kaya sanay na ako. "Friends like whom, anak?" patuloy niya sa paunti-unting pang-i-interview. "Like Eden, some of your college friends... right?" Tumango ako. "Yes, and some of my new friends in N-bar." I'm talking about Rick and his gang. And yeah, Chance and Hades as well. Alam ko namang kahit hindi ko na sabihan si Chance, sina mommy at daddy na mismo ang mag-iimbita rito kasama ng mga magulang nito. You know, kailangang maging very close sa mga Scottvilles to get their approval for partnership. "I and your dad will invite Mr. and Mrs. Scottville, ikaw naman ang bahalang mag-invite kay Chance ha? Since you two are already close with each other." Tumango ako. "Wala pong problema, mommy." "Another thing, anak... uhm, if you don't mind me asking, huh? Can you not invite Lieven?" Tiningnan ko nga si mommy at nginusuhan. Imposible ang hinihingi niya! "Mommy naman! Hindi po pwedeng wala si Lieven. Alam n'yo namang espesyal sa akin yung tao 'diba!" "Ah eh, anak nagtatanong lang naman ako." kaagad niyang bawi. "Hindi pwedeng wala ang special person sa special day ko po, my." "Ang tanong, special ka rin ba para sa kanya kagaya ng turing mo sa kanya?" Natahimik ako. 'Yon ang hindi ko alam. "Anak, 'wag mo sanang mamasamain, concerned lang ang mommy mo sayo... You know I know na matagal ka nang naghihintay sa taong 'yon." "Oo nga po, my, pero believe me this time. Break na sila ni Farah kaya malaki na ang pag-asa ko kay Lieven." Hindi nagsalita si mommy, tinititigan lang ako. She looks worried and concerned. Naiintindihan ko naman siya dahil ina siya at nag-aalala lang siya sa akin. I smoothly hugged her to persuade her. "My, trust me. Malapit nalang talaga. Malapit nalang at magiging kaming dalawa din ni Lieven kagaya ng araw-araw kong pinapangarap sa loob ng maraming taon." She hugged me back although she's still not convinced. Pagkatapos ng naging pag-uusap na 'yon ni mommy, dumiretso na ako sa opisina sa kompanya para magtrabaho. I am in the middle of some paper signings when Lieven chats. Lieven: Hello, Nati! Napangiti ako at agaran siyang nireplayan. Me: Hello, Lev! Lieven: How are you doing right now? Me: Doing good although busy with paper works. Ilang sandali akong naghintay sa susunod na ire-reply niya, nakita ko ring nai-seen na niya ang huling mensahe ko pero ilang minuto na akong nakatunganga at naghihintay sa susunod niyang tugon, wala pa rin. I decided to chat another message for him. Me: How 'bout you? How are you doing right now? Nasa opisina ka? Ten minutes bago niya nai-seen ang message ko at nagkapag-reply. Lieven: Yeah, currently on my office. Doing office stuff. I decided to stop first whatever I'm doing with my work para mas makapag-focus pa sa pakikipag-chat sa kanya sa Messenger. Good thing at nakakapagreply din kaagad siya 4 to 5 minutes after kong nagse-send ng messages ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD