"Zander, Natasya, tama na 'yang asaran. Hindi na kayo mga bata." marahang saway naman sa amin pareho ng kasusunod lang din na si daddy. Binalingan pa nito ang bisita namin. "Pagpasensyahan mo na ang magkapatid na 'yan, hijo. Ganyan lang talaga maglambingan minsan 'yang mga 'yan. Feeling mga bata."
"Daddy, bata pa naman talaga ako eh! Si kuya lang naman ang gurang na!" maktol ko.
Natatawa nalang na napapailing si Chance. "It's okay, tito. Naiintindihan ko po. Natutuwa nga akong panuorin silang magkapatid kasi wala akong kapatid."
"Oh, we're sorry for that, hijo." ani mommy.
Oo nga pala't unico hijo itong si Chance.
Umiling ang huli. "Okay lang po, tita."
"Uy, alam mo ba anak, maraming pinadala si Chance na mga rambutan at mangga dito sa atin ngayong umaga. Paborito mo ang mga 'yon 'diba?" baling ni mommy sa akin.
Tumango ako. "Oo, my. Nakita ko na po 'yon."
Binalingan ulit niya si Chance. "Diba nabanggit mong malapit sa rest house mo ang malalawak na taniman ng mga sariwang mangga at rambutan, hijo?"
"Ah, opo, tita. Nasa bayan po kasi yung personal rest house ko kaya po malapit sa planta ng mga prutas."
"Yeah. By the way, pupunta ka ulit do'n mamaya 'diba? Malapit lang naman 'yon dito 'diba?"
"Opo. Linggo naman po kaya doon muna siguro ako titigil mamaya."
"Kung gano'n, ba't hindi mo isama itong si Natasya? I mean, ipapasyal mo lang, hijo, kung pwede lang naman... Para naman makakita na rin siya ng mga aktwal na plantasyon ng mga puno ng mga prutas na paborito niya."
Napanguso ako kay mommy. Kung makasabing para makakakita na rin ako ng mga aktwal na puno, parang pinalalabas na never pa talaga akong nakatuntong ng taniman!
Nakakita na rin kaya ako dati, sa isang malawak na hacienda! 'Yon nga lang, bata pa ako no'n at medyo hindi ko na maalala ang mga detalye.
Bibihira kasi akong makakapunta ng mga ganyan eh, kasi nga subdivision ang bahay namin, within the City. So, minsan lang ako makakakita ng mga paniman kapag napadpad sa mga baryo. Hindi rin naman kasi ako mahilig mamasyal sa bukid dahil nakasanayan at nakalakihan ko na ang Siyudad.
"Ayos lang po, tita." kaagad namang tugon ni Chance. "Wala pong problema sa akin... 'yon ay kung gusto rin ni Natasya na sumama?"
Sinulyapan niya ako.
"Sasama siya sayo, Chance hijo. Para naman mabawas-bawasan 'yang kaartehan niya sa katawan." sabi naman ni daddy na ngayo'y nakangisi na't mukhang inaasar din ako.
Pinagtutulungan na naman ako ng mga lalaki sa bahay na 'to!
"Mommy, si daddy oh!"
"What? Dad's just telling the truth! Ang arte mo kaya, Natasya!" datong pa ni kuya Zander.
"Tse! Mommy, pinagtutulungan nila ako!"
Marahang natatawang sinaway ni mommy ang dalawa. "Kuya Zan, daddy, tama na 'yan."
Tatawa-tawa lang naman ang dalawa at tinigilan na rin ako.
"Ano, Nat? Sama ka?" nakangiting tanong ni Chance sa akin.
"Sige na nga!"
Pumayag ako. We ended up on one of the largest rambutan and mango plantation in the Philippines. Grabe, hindi ko maiwasang mapahanga at mamangha habang naglalakad-lakad kami sa ilalim ng mga puno ng mangga.
Pinapayungan ako ni Chance dahil mataas ang sikat ng araw at mainit dito sa plantation. Ako nama'y lahat ng mga namamanghaan ng mga mata ko, pini-picture ko. Gaya nalang ng mga puno ng mangga, rambutan, mga tumpok nitong mga bunga, mga harvesters pati na mga fresh na pitas na mga harvests.
"Chance, pwede?" tanong ko mayamaya nang may manggang bunga na abot-abot lang ng kamay ko.
Ang tinatanong ko'y kung pwede itong pitasin.
Ngumiti siya't tumango. "Yes, you can."
Natutuwa at excited na pinitas ko ang pinakamalapit na bunga. Kinagatan ko pagkatapos para tikman.
Nangiwi naman ang itsura ko dahil sa asim nito kaya tinatawanan ako ni Chance!
"Hahahahahaha!"
"Ang asim!"
"Hahaha!" patuloy niya sa pagtawa tapos pinitas yung bunga na mas mataas pero walang kahirap-hirap niyang naabot.
Of course, perks of being a six-footer!
Kinagatan din niya iyon para tikman tapos binigay sa akin.
"This. Try this one instead. It's sweeter." aniya.
Tinanggap ko iyon at nakitang mas yellow ito, mas luto kaysa sa du'n sa green pa kanina na hilaw talaga.
Tinikman ko nga at halos magningning sa tuwa ang mga mata ko dahil sa sarap at tamis ng lutong mangga.
"See!" aniya.
Tumango ako. "Oo na!"
Nang mapagod kami sa paglilibot, nagpasya kaming magpaalam na sa mga harvesters at mababait ang mga ito dahil pinabaunan pa kami ng mga mangga ng libre lang at hindi na nila tinanggap pa ang bayad ni Chance.
"Mababait pala ang mga tagadito sa bayan 'no?" magiliw kong sinabi nang binabagtas na namin ang papuntang rest house niya.
Malapit lang naman daw iyon dito, walking distance lang kaya pwede nang lakarin nalang.
"Oo naman." magiliw din niyang sagot.
Hahawak-hawak pa rin niya ang payong at pinapayungan ako habang ang isang kamay naman niya'y hawak ang cellophane ng mangga na pinabaon ng mga havesters sa amin.
Binuksan ni Chance ang puting gate ng mini rest house niya at pumasok kami sa front yard.
"Uy, dito na pala?" tanong ko nang mapagtantong malapit nga lang.
Tumango siya.
Masasabi kong refreshing ang exterior design ng nasabing bahay, may maliit na garden sa gilid at may mga halaman sa paligid. Simple pero may dating pa din naman.
"Take a seat." aniya saka ipinaghila ako ng upuan sa maliit ding balconahe niya.
Ilang sandali pa'y pinagsaluhan na namin ang mga manggang ipinabaon ng libre sa amin.
Siya ang nagbalat ng lahat ng mga hinog na mangga at hiniwa ang mga ito saka nilagyan ng suka at bagoong.
Nag-alinlangan pa 'ko no'ng una kong kakain din ba ako, hindi ko kasi nagugustuhan yung amoy ng bagoong.
"Hindi ka kumakain ng bagoong?" namamanghang tanong niya nang mapansin ako.
The truth is, kumakain naman talaga ako nito kapag hinahalo ito sa mga nilulutong ulam gaya nalang ng pakbet pero aktwal na bagoong talaga? Uhm, yeah, no.
Nahihiyang tumango ako.
Magiliw na napahalakhak siya. "Really? Therefore I conclude, you miss half of your life because you don't eat one of the most delicious spices in the whole Philippines!"
Naa-awkward na ngiti nalang talaga ako. Nakakahiya din talaga ang kaartehan paminsan-minsan!
"Come on, Nat. Masarap 'to. Just try it." aniya at nagmamalaking diretsong sinubo ang manggang may bagoong.
Parang nakakadiri na kung ano. Kung titingnan nga si Chance, parang ito yung tipo ng taong hindi kakain ng mga ganitong klase ng pagkain.