7

1237 Words
"MISS Natasya, nasa labas po si Mr. Rick. Gusto daw po kayong makausap. Papapasukin ko po ba?" tanong ng sekretarya kong si Danette nang pumasok sa opisina ko dito sa kompanyang Wynnfor Apparel. Yes, in the sunny day, I am working in my family's company named Wynnfor Apparel having one of the highest positions here because I am the daughter of the owners. The heiress of the Chairman, my father and the President, my mom, and my kuya Zander's the General Manager. I am next to him, I'm the Deputy General Manager. Sa gabi naman, ako pa rin ang manager ng sarili kong bar business. Napakunot noo ako sa sekretarya ko. Si Rick? Ano namang gagawin nito rito? "Sige." tumango na lang ako. "Papasukin mo na, Danette." "Sige po, miss." Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng mga gamit ko sa table ko dahil may pupuntahan akong importante ngayon sa labas pero babalik din naman ako. "Natasya! Hello, my dearest prettiest friend!" cool na bungad sa akin ni Rick. "What do you want, Ricardo?" direkta kong tanong sa kanya nang hindi man lang siya sinusulyapan. "Heto naman! Wala man lang hello din diyan!" tumawa ito sa sariling biro. "Alam kong likas kang mabobola lalo pa't kung may kailangan. Tell me directly, anong kailangan mo?" "Grabe! Hahaha!" Tiningnan ko na nga. Ang señorito ay naupo sa visitor's chair at nagdekwatro pa! "Aalis na 'ko, Rick. May pupuntahan ako. Kung wala ka naman palang kailangan, you can go now." "Eto naman! Ang seryoso mo talaga!" Hindi na 'ko nagsalita. Nagpatuloy nalang ako sa pagliligpit ng mga gamit ko. "Natasya, what's her name?" finally, he spoke directly to his point. Sinulyapan ko nga't kinunutan ng noo. Anong pinagsasasabi nito? "Who?" "Come on, 'wag ka nang magmaang-maangan! You know exactly whom I'm talking about!" Tiningnan ko siya ng medyo matagal para i-absorb sa mind ko ang pinagsasasabi niya't kung sino ang tinutukoy niya... hanggang sa naalala ko bigla ang nangyari sa stag party ng kaibigan niyang si John. Oh, that was! Hahaha. Natawa bigla ako. Napangisi ako kay Rick. "So, you're interested with my worker, huh!" I teased him. Nagkagulo lang naman sa stag party ni John kasi akala no'ng sexy dancer na hi-nire ko, itong Rick ang ikakasal kaya si Rick ang sinayawan. Itong Rick naman na masyadong babaero lalo pa't nakainom na siguro ng marami, aba't hinalikan ba naman ang worker ko kaya hayun, nasampal nu'ng babae! "Come on, Natasya! Tell me her name!" Rick is now begging me. "You're begging me to give you her name, therefore I conclude you really like that girl!" patuloy ko sa pang-aasar sa kanya. Actually, napilitan lang yung babaeng 'yon sa pagsasayaw sa stag party ni John dahil kailangang-kailangan ng pera. Hindi talaga linya nu'ng babae ang sumayaw ng ganu'n sa party lalo pa't may pagkakonsertibo din iyon kaya nabigla siguro nang halikan ni Rick at nasampal niya ang huli. "Natasya, I didn't come here para asarin mo. Just tell me her damn name." nagsisimula nang mainis si Rick. Ginanahan pang lalo ako sa pang-aasar. "You know, Rick... may sariling buhay din ang mga workers ko outside my bar, so I have to keep their informations and privacies confidential." sabi ko. The truth is, I only know the girl's name and nothing at all after. Dinala lang naman siya ng isa sa mga waitress kong si Bambi doon no'ng gabi ng stag party ng kaibigan ni Rick na si John para sana mag-apply na maging waitress din kasi kailangan nga ng trabaho at kumita. Kumpleto nang mga waitress ko sa bar kaya naman naisip kong pagsayawin nalang sa stag party since maganda din naman, maputi, makinis, at angelic ang mukha. Hindi ko na nga kinaltasan ang sweldo sa kabila ng gulong nangyari at sa pananampal niya kay Rick kasi alam kong kailangang-kailangan niya ng pera at ayaw naman talaga niyang gawin 'yon pero ginawa pa rin niya dahil kailangan. I always have soft spot for people who can do everything even things they don't like just to save their education. "Come on, Natasya. Just her name. Please!" Nagtaas kilay ako't nakangisi pa rin nang magpatuloy sa pagliligpit naman ng bag ko sa paghahandang umalis. "Natasya! Natasya, please? I beg you!" Kulang nalang ay lumuhod sa pagmamakaawa ngayon si Rick may masabi lang akong impormasyon sa kanya tungkol do'n sa babaeng kinalolokohan niya ngayon. "I'm really sorry, Rick." "Damn it! Natasya!" parang magwawala na siya sa pagmamakaawa. Kahit gusto kong tumawa pa rin nang tumawa pero kunwaring sineryoso ko na ang mukha ko para tigilan niya ako. "Hindi nga pwede, Rick." "Damn! Damn!" he frustratedly punched my table and then he walked out. "I'll never forget this day na pinagdamutan mo ako!" Humalakhak ako dahil badtrip na badtrip na siya tapos inasar ko pang lalo at kinawayan. "Bye, Rick. Have a nice day!" "I hate you from now on!" "Hahaha!" Akmang lalabas na siya ng opisina ko nang bigla akong magsalita na muling nagpapigil sa kanya. "Take care! By the way, her name's Lena!" Nilingon niya ako. "What?" I shrugged my shoulders. "Lena..." Pinanliitan niya ako ng chinito niyang mga mata at saka nginisihan. "Lena... okay, I don't hate you anymore!" 'Yon lang at nakangisi na siya nang umalis. Napahalakhak nalang ako sa kakulitan ni Rick. Nang maghapon at natapos ako sa trabaho ko sa Wynforr Apparel, dumiretso na ako sa opisina ko doon at tiningnan ang report ng sub manager ko. Kailangan na palang mag-import na naman ng iilang case ng mga alak within this week dahil papaubos na ang supply. I am in the middle of tallying kung magkano ang magagastos para sa budget ng pagpapa-import ng bagong mga alak nang tumunog ang cellphone ko. It's a notification saying that one of the many people I'm following on i********: has updated his/her status. I checked on it and I saw it's Farah's post! Picture nilang dalawa ni Lieven no'ng mga college palang kami at naka-uniform pa sila tapos ang sweet. Throwback picture with him ❤ #WhySoGwapoBaKasi @lieven! ? Ti-nag pa talaga si Lieven ha! Sa pagkakaalam ko, klarong-klaro kay Farah na break na silang dalawa ni Lieven at ako na ngayon ang ka-MU ng ex niya. Ano 'yon? Hindi makaintindi? Walang respeto sa bagong pinupormahan ni Lieven o nananadya lang talaga? Binuksan ko ang comments section, may mga nauna nang mga nag-comment na mga friends ni Farah. : Sweet! ? : Uy, nangangamoy balikan ha? ? : Syea, sana kayo na ulit. Love you both! Nakita kong may comment na rin si Lieven. @lieven: Hahaha. This days, tho. Funny @faralh! ? Parang mag-aapoy sa baga ang mga balikat ko dahil sa inis. Kung makakunsinti naman ang mga friends ni Farah! Even her username's still has a connection with Lieven! "@faralh"! Hindi pa pinalitan gayong break na sila at kung maka-post! Maka-throwback pic! How insensitive they are! Pati si Lieven, kung maka-comment. Parang gustong-gusto din ang pi-nost ni Farah. Ni-like pa! Padarag na iniwan ko na muna ang ginagawa ko at lumabas ng opisina dala-dala lang ang cellphone ko. Dumiretso ako hanggang sa party spot at nakita ko kaagad ang kaibigan kong si Chance. He's sitting on the stool at the counter while smiling on whoever he's texting or whatever he's doing on his phone. May naisip bigla ako. Ano kaya kung gumanti ako? They're being so insensitive to me! Why don't I post something that could shock them too? Haha. Bright idea, indeed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD