Ewan ko ba kung anong nagawa ng huli sa mga ito para gano'n nalang kung tutulan para sa akin gayong ako nga, si Lieven lang talaga ang gusto ko magpakatanga at magpakamartyr man ako sa paghihintay na titingnan din niya ako kagaya ng pagtingin niya sa long time ex-girlfriend niyang si Farah.
Tinawanan lang ako ni kuya Zander nang tiningnan ko siya ng masama.
"Sige na't lumakad ka na, baka mapaghintay mo pa ng matagal yung ka-date mo. Nakakahiya naman sa kanya kasi ikaw nga ilang taon nang naghihintay na mahalin din niya!" tumatawa pero naroon ang kasarkastikuhan sa tono ni kuya.
"Tse! Porket hindi mo pa nararanasang ma-inlove eh kaya ganyan ka kung makapagsalita! Ang landi mo kasi, kuya! Hindi mo magawang makapagseryoso sa babae kaya wala ka pang nagugustuhan talaga at minamahal!" ganti ko sa kanya.
He just chuckled.
"Sige na, oo na para matahimik ka. Alis na do'n. Anyways, don't forget our dinner with Scottville family this coming Saturday evening." he reminded me.
Come on! Hindi ko nakakalimutan 'yon! Besides, Miyerkules palang naman ngayon, eh Sabado pa ang dinner with Scottville fam.
"Yes, kuya!" patamad kong huling sagot bago tuluyang nagmartsa palabas ng entrada ng bahay.
I drove my way to the restaurant where Lieven and I will be having our lunch date for today.
Pumasok ako sa sliding door pagkarating tapos natanaw ko kaagad ang table na pinili ni Lieven dahil kumakaway siya sa akin habang nakangiti.
"Lieven! Kanina ka pa?" nakangiti kong tanong nang sinalubong niya ako.
He hugged me then he kissed my cheek. He also pulled the chair for me to seat.
"Medyo pero hindi naman masyado."
May pumuntang waiter sa amin para kuhanin ang order namin tapos ilang sandaling paghihintay lang ay dumating din kaagad ang mga pagkain namin.
"Where 'you going after this?" he asked me while we're eating our meal.
"Sa kompanya. May mga iche-check pa akong papers ng sales namin from the last six months."
Tumango siya.
"Ikaw?"
"Sa bangko, to work like you."
Napangiti ako at nagpatuloy sa pagkain. He has his own bank and it's going even more wider now because of its branches anywhere in the Philippines... he's rich, but that isn't the reason why I love him a lot... I love him a lot simply because he's caring and I can see my future together with him.
Maganda na sana ang takbo ng lunch date namin, everything seemed to be perfect but not until I noticed he's busy with his cellphone taking glances on its screen every now and then.
"I heard you'll be having partnership with Centres Commerciaux de Scottville? One of the biggest malls world wide especially in European countries."
I nodded. "Yes. Actually, this coming Saturday-"
Naputol ako nang tumunog na naman ang cellphone niya at nagtipa na naman siya ng ire-reply sa kung sinong ka-text.
Nakakabanas. Pakiramdam ko tuloy kasama ko siya dito, solong-solo ko siya pero hindi ang buong presensya niya dahil kahit magkasama kami, busy pa rin talaga siya sa iba!
"I'm sorry. Ano ulit 'yon, Nat?" aniya nang matapos malamang ma-send ang reply niya sa ka-text.
"This Saturday, we'll be having dinner with Scottville family to talk about the partnership we are offering towards their international business." sabi ko nalang kahit sira na mood ko.
Tumango lang siya at muling bumalik sa pakikipag-text habang ngiting-ngiti at hindi na halos napansin ang pagkain niya. Ako nama'y tahimik nalang na nagpatuloy sa pagkain habang marahang nagdadabog. Ako ang kasama niya pero ang presensya niya, wala sa akin!
Naalala ko tuloy bigla kung paano rin ako unang nabigo noon sa kanya, no'ng mga college palang kami.
"He's there! Den, he's there!" natataranta ako habang naglalakad kami sa pathwalk ni Eden isang araw.
"Sino?" aniya.
"Si Lieven..." nginuso ko sa kanya ang papasalubong na si Lieven.
Hindi pa malamang kami napansin ng lalaki dahil nakatutok ang mga mata nito sa cellphone at abala sa pakikipag-text.
"Oh?" sabi lang ni Eden. "Act normal. Just act normal, Nati. 'Wag papahalatang masyado kang natataranta sa kanya."
Tumango ako't tahip-tahip ang malakas na kabog ng dibdib, excited kong hinanda ang sarili ko sa papasalubong na si Lieven.
Naalala ko din bigla ang sumbrero niyang hanggang ngayon ay nasa bag ko pa din at pinakaiingat-ingatan ko.
"Oh? Anong ginagawa mo?"
"Yung cap n'ya. Kailangang makita niyang suot ko ang cap niya!" sabi ko.
Syempre, dahil best friend ko si Eden, ikinuwento ko kaagad sa kanya ang lahat ng mga nangyari sa stage arts studio noong araw na nakipag-usap si Lieven sa akin at binigyan pa 'ko ng sumbrero.
Dali-dali kong sinuot ang Nike na sumbrero na bigay ni Lieven sa akin tapos inayos ng maigi ang buhok ko.
"Okay naman ba sa akin? Hindi ba panget, Den?" conscious kong tanong sa kaibigan ko.
Shit! Sana may salamin man lang para matingnan ko mukha kong suot ang sumbrero ni Lieven! Baka mamaya niyan mukha pala akong bruha sa cap niya. Nakakahiya!
Dapat magandang-maganda ako!
Natawa si Eden sa akin. "Relax, Nati. Bagay naman sayo eh!"
"Talaga?"
Tumango siya para siguraduhin sa akin ang sinasabi niya.
Malapit na malapit na talaga si Lieven hanggang sa mag-angat na siya ng tingin at malawak na ngumiti. I smiled back at him. Aww, my heart!
Magiliw na lalapitan at sasalubungin ko na sana siya ngunit nalalag ang panga ko nang nilagpasan lang ako nito tapos niyakap ang babaeng nasa likuran namin... si Farah.
Awtomatikong napatingin ako sa likod. Lieven smiled sweetly at the lucky girl then they intertwined hands. Naglakad na sila palayo.
Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sobrang pagkapahiya at lungkot.
"Yon ba sinasabi mo, Nat? Eh mukhang taken na, girl eh!" nakangiwing opinion ni Eden sa tabi ko.
Tiningnan ko siya at hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Did I just get ignored? Damn? Ang sakit palang umasa!