"EXCUSE me miss, may nakaupo na?"
Napaangat ako ng tingin sa maamong boses ng lalaking nagtanong.
Halos malaglag ang puso ko nang mapagtanto kung sino ito... si Lieven!
"Uhm, wala pa." nahihiyang sabi ko sabay ngiti at iling.
"Paupo ako ha?"
Tumango ako.
Kasalukuyan kasi kaming nasa stage arts studio dahil may ginaganap na stage play sa isang subject ang third year Education students.
Wala lang, pumunta lang ako rito para manuod dahil lunch time pa naman pero solo flight ako dahil hindi nakasama si Eden, may lunch date kasi sa kasalukuyan niyang boyfriend.
"Kanina pa nag-start?" tanong ni Lieven nang makaupo sa tabi ko.
"Uhm, medyo." tumango ako.
"Ah, gano'n ba? Anyways, Lieven nga pala. Lieven Gonzales." he introduced himself then extended a hand on me.
Napatingin ako sa kamay niyang naghihintay sa kamay ko... Mahahawakan ko ang kamay niya sa unang pagkakataon!
"Natasya Wynnfor." sabi ko saka nakipagkamay sa kanya.
Parang gusto ko nang magtatatalon sa kilig dahil sa unang pagkakataon ay nahawakan ko ang kamay ni crush!
Pagkatapos naming mag-shake hands, bumalik ang mga mata namin sa mga nagpe-perform sa harapan at hindi ko maiwasang mayamayang mapalingon sa kanya habang nawiwili na siya sa kapanunuod.
Hindi ko maiwasan ang sarili kong mapatitig sa mukha niyang may salamin pero may kakisigan pa din. Naka-side view siya mula sa view ko, mayamaya tumatawa kapag may nakakatawang scenes o ngumingiti kapag ka may kangiti-ngiting scenarios.
"Anong year ka na nga pala, Natasya?" aniya kalaunan nang papatapos na ang stage show.
"1st year. Ikaw?"
Sana hindi na matapos ang palabas para katabi ko nalang siya palagi! Yieee!
"Ahead lang ako sayo ng isang taon. 2nd year na 'ko."
Tumango ako.
Kahit papaano pala'y may saysay din ang hindi pagsama ni Eden sa akin dito dahil hindi ko lang nakasama si Lieven, nakatabi ko pa at nagkaroon pa 'ko ng pagkakataong makausap siya.
"What course are you taking?" ako naman ang nagtanong.
"Accountancy. Ikaw?"
"Business Ad."
"Oh, okay. So, how's it so far?"
"Okay naman pero yung ibang mga math subjects minsan nakakaloka din."
Marahang natawa siya. "So, you don't like math that much huh?"
Napangiti ako. "Hindi naman sa don't like that much. Sabihin nalang nating ang math talaga minsan yung may ayaw sa akin."
Nagtawanan kami sa joke ko.
May mga pinagkwentuhan pa kami tungkol sa mga kanya-kanya naming course, sa mahihirap at sa mga easy subjects hanggang sa natapos ang palabas at nakalabas na kami ng studio.
"Pa'no ba 'yan, punta na tayo sa mga klase natin, Nat, mag-aala una na rin eh." aniya.
Tumango ako. "Oo nga."
"Medyo malayo-layo pa rito ang building ng Business Ad 'diba?"
"Uhm, oo. Buti pa nga ang sa inyo, malapit lang rito."
Yung building kasi nila, ng Accountancy, malapit lang dito sa stage arts studio. Isang liko lang sa kanan at naroon na samantalang ang Business Ad nasa kabilang dako pa ang building.
"Pa'no 'yan ang init pa naman..." puna niya.
Oo nga eh. Nakakapaso ang sikat ng araw ngayon lalo pa't ala una ng tanghaling tapat. Rarampa pa ako sa campus at madadaanan ang tapat ilang buildings bago ako makarating sa room ko.
"Oo nga, pero bahala na. I've no choice. Ayoko namang um-absent sa klase ko."
"Naks, consistent!" biro niya. "May payong ka man lang ba diyan para proteksyon? Mukhang masakit pa naman ang tama ng araw ngayon sa balat, lalo na sa ulo baka sumakit ulo mo nito..."
Parang hinahaplos ang puso ko sa nararamdaman kong pag-aalala niya. I know, it's his nature kasi mukhang ang bait talaga eh, pero hindi ko talaga maiwasang kiligin!
"Wala eh."
Hindi naman kasi ako nagdadala ng payong, bukod sa nagdadagdag ng bigat sa bag, hindi ko rin kasi talaga forte ang magdala ng mga ganoon.
"Wait up." aniya at may kinuha mula sa backpack niya.
Nagulat ako nang makitang sumbrero pala ito. Panlalaking sumbrero na kulay itim at may malaking check sa gitna. Maingat na nilagay niya iyon sa ulo ko.
"Hayan, para hindi ka masyadong mainitan. Magsumbrero ang."
Ang caring naman...
Pwede akin ka nalang...
"Uhm, sa-salamat ha? Ibabalik ko nalang 'to next time na magkikita tayo."
"Wag na. Sayo na 'yan, bigay ko na sayo. Remembrance ko sayo sa unang araw na nagkakilala tayo."
"Ha? Salamat, Lev, ha."
Tumango siya. "Welcome. Sige na, lakad ka na't baka ma-late ka pa. Punta na rin akong classroom namin. Bye, Natasya, nice meeting you!"
"Bye, Lieven! Nice meeting you too, at salamat ulit!"
Pinanuod ko siya nang tuluyan siyang lumiko at pumasok sa building nila.
Ako nama'y abot hanggang tenga ang ngiti nang magpasya na ring bumalik sa classroom namin...
Okay, today I just made friends with Lieven... I got to know him and I got his branded cap. Plus, nakamayan ko pa siya at nakakwentuhan. Ako na yata ang pinakamaswerteng babaeng may crush dahil sa kanya!
'Yon yung mga araw na tandang-tanda ko pa at hindi ko yata makakalimutan kung paano ako unang nagkagusto kay Lieven... dahil sa pagiging likas na caring niya.
Napangiti ako sa salamin ng makuntento sa ayos ngayong magla-lunch date kami ni Lieven katulad ng ipinangako niya kagabi sa akin nang tumawag siya. I'm wearing a simple sleeveless floral black dress, pink matte lipstick and then white sandals.
Kinuha ko ang puting sling bag ko sa bedside table at bumaba na ng grand staircase para lumabas ng bahay at makaalis na, makapunta sa restaurant na napagkasunduan namin ni Lieven.
"Natasya, may lakad ka?" salubong sa akin ni kuya Zander nang makababa ako.
Nakapamulsa siya, napa-gray pajamas at puting t-shirt. Mukhang walang pang planong pumasok sa opisina niya sa kompanya namin.
"Yes, kuya. An important appointment with a very important person." nangingiti kong sagot.
"It's with Lieven again." siguradong pahayag niya.
Alam na alam din talaga ni kuya eh!
Masiglang tumango ako. "Yes, it's with him. Kaya nga, mauuna na 'ko, kuya kasi nakakahiya namang mapaghihintay ko siya."
Humalik saglit ako sa pisngi niya para magpaalam at tinalikuran na siya para makatuloy na ako.
"Mas mabuti nang siya ang maghintay kaysa sa ikaw ang maghintay!" pangasar pa sa akin ng loko.
Nilingon ko nga't pinanliitan ng mga mata. For all I know, pareho lang ito ni Eden na ayaw din kay Lieven para sa akin!