HINDI na ginising ni Angelica si Wallace dahil mahimbing ang tulog at mukhang napuyat. Kaagad siyang naligo, mabilisan dahil sa bilis ng oras ay tiyak na mabinbin siya sa traffic. Tulog pa ang mga kaibigan ni Wallace kaya maingat siyang kumilos at nagluto ng almusal. Hindi siya sure kung anong pagkain ang puwede at bawal kay Yoshin kaya nagprito lamang siya ng suasage at itlog. Bahala nang magluto ang mga ito kung ayaw ng luto niya. Kumakain na siya nang biglang lumitaw ang bulto ni Yoshin, tanging itim na boxer ang suot. “Good morning!” kaswal niyang bati rito. “Buenas dias!” tugon nito, tipid na ngumiti. “Uh, I just cooked sausage and eggs, but if you don’t like it, you can check the stock in the refrigerator.” “I’m fine, don’t bother. I can cook for myself.” Pumitas ito ng isang h