“EXCUSE me!” paalam ni Angelica kay Yoshin. Lumayo siya rito at sinagot ang tawag ni Wallace. “Where are you?” kaagad ay tanong nito. “Uhm, nasa lobby ako ng hotel. Nakita ko kasi ang isang kaibigan mo,” sabi niya. “Sinong kaibigan?” Bakas sa tinig ni Wallace ang pagkawindang. Sinipat niya ulit si Yoshin, naghihintay pa rin ito sa kaniya. “Si Yoshin, iyong late dumating sa kasal natin noon.” “F*ck!” Ang lutong ng mura ni Wallace. “Hoy! Ano ba ang problema?” aniya. “Balik ka na rito, Angel, please!” “Sandali.” Naisip niya baka may nangyari sa party kaya eksaherado si Wallace. Binalikan niya si Yoshin. “Babalik na ako sa party, baka gusto mong sumama,” sabi niya sa lalaki. “I don’t have an invitation card,” sabi nito. “Pero friend ka rin ni Dwayne, ‘di ba?” “Yes, but he didn’t in