MARTES ng umaga ay sinamahan ni Angelica si Wallace sa mall upang bibili ng regalo. Nakabawi siya ng tulog dahil hindi naman natuloy ang daddy niya sa event ng businessmen dahil nahihilo. Dinala na niya ang pera ni Vladimir at ayaw nitong umalis ng bahay. May aasikasuhin umano itong problema sa business nito via online. Nasa puwesto na ng mga laruan silang mag-asawa at hirap siyang pumili ng doll house. Wala ring ka-taste-taste ang asawa niya sa mga laruan at inasa na sa kaniya. Laruang panlalaki ang pinagdiskitahan nito. “Aanhin mo ‘yang kotse? Babae ang inaanak mo, honey,” sita niya sa asawa. “Para ‘to sa magiging anak natin,” anito. Siniko niya ito sa tagiliran. “Masyado kang excited. Bilhin mo na lang ‘yan at regalo mo sa panganay ni Dwayne para hindi mainggit sa kapatid.” “Gusto