MAG-UUMAGA nang natapos ang pagbabalot sa groceries kaya late nang nagising ang lahat. Hindi rin naman nakatiis si Wallace at tumulong sa pagbabalot. Naunang nagising si Angelica at nagluto ng tanghalian. Wala nang almusal. Umabot ng tatlong daang balot ang groceries, at sinamahan nila ng pera na isang libo bawat balot. They plan to visit the places where indigenous people live. If ever kukulangin ang goods, pera na lang ang ibibigay nila. Naihanda naman niya ang mga ito sa bawat sobre. Nag-donate rin ng fifty thousand si Alejandro, ganoon din si Chase, pero ang asawa niya ay makunat. Ang hindi nito alam, nakapag-withdraw na siya sa peso account nito gamit ang card. Nang magising ang mga lalaki ay diretso tanghalian na sila. Mga may hang-over pa sa puyat ang mga ito pero mukhang sanay na