PAGKATAPOS ng duty ni Angelica ay nagpasya siyang magtungo sa bahay ng parents niya. Nag-text din ang mama niya at gusto umano siyang makusap ng kaniyang ama. And she was shocked about Arkin’s report. Since Arkin offered his spying services, she allows him to report all Wallace’s activities during office hour or even in the outdoor appointment. Dahil nagda-drive, tinawagan niya si Arkin. “Anong gulo?” dagli’y tanong niya kay Arkin nang sagutin nito ang kaniyang tawag. “Nagkasagutan kanina sa meeting sina Adam at asawa mo,” anito. “Tungkol saan naman ang pinag-awayan nila?” “Tungkol sa isyu ng company ng asawa mo sa Italy. At dahil sa ibinunyag ni Adam ang isyu sa kliyente niya, hindi natuloy ang deal para sa investment. Nasabi ko na sa daddy mo ang napurnadang deal kay Mr. Alfonso kasi