NILAGYAN ni Wallace ng konting pampatulog ang gatas ni Angelica. Kailangan kasing ma-access niya ang lahat ng contact nito para maipasok ang hacking system ni Chase. Atat pa naman ang isang ‘yon, ayaw na pinaghihintay nang matagal. Gusto nito ng mabilisang trabaho pero maingat ito sa bawat hakbang. Pagbalik niya sa kuwarto ay nakaharap na sa laptop nito si Angelica, nakaupo lang sa kama. Seryoso ito sa ginagawa, halos ayaw kumurap. “Here’s your milk, honey,” malambing niyang sabi. Inilapag niya sa mesita ang baso ng gatas. “Anong gatas ‘yan?” tanong nito pero nasa laptop ang tingin. “Ah, ito ‘yong gatas na choco.” Pinabili niya kay Alejandro ang gatas na iyon dahil naghanap si Angelica. “Ano?” Napatingala ito sa kaniya. “Baka choco na gatas.” Napakamot siya ng ulo. “Nakalagay kasi sa