NAGHINTAY pa sila ng mahigit isang oras bago bumalik si Vladimir lulan ng Yate. Nang makasampa sa yate ay kaagad sinugod ni Agelica si Vladimir at pinagsusuntok sa dibdib. Nahirapan siyang patamaan ito dahil malikot, hanggang sa tumakbo na paakyat sa puwesto ng captain. “Ano ba problema mo?” tanong pa ni Vladimir. “Nagtanong ka pa! Iniwan mo kami sa isla!” nanggagalaiti pa ring sabi niya. “Ang tagal n’yo, eh. Magpapaalam sana ako kaso busy kayo!” Naudlot ang inis niya nang matanto na maaring nakita sila ni Vladimir na may ginagawang milagro sa batis. Ginupo siya ng hiya rito. “Saan ka ba kasi pumunta, Vlad?” tanong naman ni Wallace sa kaibigan. Bumaba na si Vladimir. “Tumawag si Alejandro at hindi sila nakapasok ng gate dahil naiwan niya ang access card. Walang naka-duty na security