HINDI makapag-focus sa pagkain si Wallace. Nag-chat siya kay Vladimir at sinabi ang masamang balita. Kailangan maaksiyunan kaagad nito ang problema bago mapakanta ng mga pulis ang spy ni Brix. Pagkatapos ng hapunan ay inako ni Wallace ang paghuhugas ng mga kubyertos. Hindi na lumabas ng kuwarto si Angelica at busy sa cellphone. Hinayaan na niya itong maki-update sa katrabaho para aware rin siya sa kaganapan. Pumasok din ng kusina si Vladimir, pa-chill-chill lang habang nagkakape. “Tigilan mo ang pag-chat sa akin. Nakakairita na,” sabi nito. “Hindi ka naman kasi sumasagot! We have an emergency! Ano na ang plano mo?” aniya, napapalatak na. Nagbabanlaw na siya ng mga kubyertos. “I already sent my hitman to jail where Brix’s spy has been detained. He will going to kill the hitman tonight,