ARAW ng Biyernes ay hindi pumasok sa trabaho si Angelica. Naglipat na kasi sila ni Wallace ng nito sa bahay nito. Malapit lang naman ito sa bahay nila, kalahating oras lang ang biyahe. Parang mga batang nag-iyakan ang parents niya sa kaniyang pag-alis. As the only daughter, mahirap para sa mga ito na malayo siya. “Love na love ka ng parents mo, ah,” ani Wallace. Lulan sila ng kotse niya patungo sa bahay nito. Iyon na ang huling kahot nila ng gamit at hindi na nito dinala ang sariling kotse. Siya ang nagmamaneho. “I’m their princess,” she said. “You’re so lucky. You have everything, loving wealthy parents, good friends, an amazing career, and a handsome husband.” Binato niya ito ng mahayap na tingin. Okay na sana kaso naisingit nito ang sarili. Pinalo niya ito ng kamay sa hita. “Ang