PAGDATING ng bahay ay kaagad nagluto ng hapunan si Angelica. Busy na si Wallace sa pag-aayos ng mga gamit. Wala naman itong angal sa pinili niyang kuwarto. Magkatabi lang naman ang silid nila sa second floor. Mamaya ay pumasok ng kusina si Wallace at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Humarap ito sa kaniya habang tumutungga ng tubig. Naalala niya ulit ang babaeng nakausap nito sa grocery store. “Sino pala ang babaeng iyon kanina?” kaswal niyang tanong. In-off niya ang stove dahil luto na ang kaniyang adobong manok na may patatas at tokwa. “Hm, yes.” Inilapag nito sa lamesa ang basyong bote ng tubig. “Si Camilla,” anito. “Fling mo na nabuntis mo?” aniya. Tumawa nang pagak si Wallace. “Iniisip mo talaga na anak ko ang batang ‘yon, ano? Ang layo naman.” Alam naman niya na malabong magin