INABANGAN ni Angel si Dr. Grande sa labas ng gate. Nag-text ito sa cellphone ni Wallace at sinabing on the way na. Ito na raw ang bumili ng antibiotic para sa sugat ni Wallace matapos alamin ang detalye kay Chase. So, Dr. Grande was also Wallace’s friend? It seems like these guys had a union of handsome professionals. Nice idea. Naisip niya na baka nga may established na samahan ang mga ito. At obvious din na hindi purong pinoy si Dr. Grande dahil sa apelyido nito. Aywan lang niya sa hitsura. Makalipas ang ilang sandali ay may humintong pulang kotse sa tapat niya. Bumukas ang bintana sa driver side at sumilip ang lalaking driver. “Hi! Are you, Angelica?” anito. “Uh, yes. Dr. Grande?” untag niya. “Yep. Can I come inside?” “Sure.” Binuksan naman niya ang gate at pinapasok ang bisita. I