AFTER lunch na nag-report sa opisina si Wallace. Nagulat siya nang malaman na may bagong hire nang secretary. Wala pa naman siyang napili sa mga aplikante dahil pina-cancel niya ang interview. Pagpasok niya ng CEO’s office ay may lalaking sumunod sa kaniya. “Good afternoon, sir!” bati ng lalaki. Napatitig siya rito. Bago ito sa paningin niya, bata pa, at mukhang naligaw na artista. He’s good looking, maganda rin ang katawan at matangkad. Nakasuot ito ng black suit. “And who are you?” curious niyang tanong dito. Lumuklok siya sa kaniyang swivel chair. May dala itong itim na folder. “I’m Arkin Rosario, the newly-hired secretary,” nakangiting tugon nito. Natigilan siya, muling napatitig sa lalaki. Mamaya’y napamulagat siya nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi ito. “You’re the new se