UPANG makaiwas sa stress at matinding kalungkutan, lumayo si Angelica sa siyudad at nanatili muna sa kaniyang rest house sa Antipolo. Nilibang niya ang kaniyang sarili sa kaniyang munting flower farm. She’s six month pregnant and thankful that her baby was healthy despite the undying pain she carried for a couple of months. Lumayo siya sa kaniyang mga magulang dahil hindi niya kayang sabayan ang pressure ng galit ng daddy niya. Wala rin siyang choice dahil pumirma na si Wallace sa divorce paper at ang daddy na niya ang nag-asikaso. Samantalang nagpapasalamat pa rin siya dahil walang masamang nangyari sa kaniyang ama. Nasa hardin siya at gumugupit ng mga tuyong dahon ng rosas habang nakaupo sa silya. Alas otso pa lamang ng umaga at katatapos lang niyang mag-almusal. Naghihintay siya ng up

