HABANG paakyat ng hagdan ay hawak na ni angelica ang service firearm niya na kalibre kuwaretnta y singko. Maingat siyang humakbang patungo sa kuwarto ni Wallace kung saan patungo ang pulang likido. Sinadya niyang huwag buksan ang ilaw sa hallway. Nag-abala pa siyang kumiha ng konting pulang likido na bahagyang natuyo. Dinutdot niya ito ng daliri at sana’y aamuyin ngunit may kumalabog sa loob ng kuwarto. May pakiramdam siya na hindi dugo ang likido dahil sa texture. Pero tumuloy pa rin siya for sure na ligtas ang kaniyang asawa. Pagdating sa tapat ng pintuan ay dahan-dahan niyang pinihit ang seradura. Nakabukas ang ilaw sa loob ng kuwarto. Nagbilang siya ng tatlo sabay tadyak sa pinto at itinutok sa kaniyang harapan ang baril. “Woah!” sigaw ni Wallace. Kamuntik nang matamaan ng dulo ng