Chapter 17

2596 Words

SUMILIP sa bintana ng kaniyang kuwarto si Angelica. Buhat doon ay natatanaw niya si Wallace sa may tapat ng gate. May kausap ito sa cellphone at hindi mapakaling palakad-lakad. Mukhang may natanggap itong bad news. Mamaya ay pumasok din ito ng bahay. Nakapagbihis na siya ng pantulog kaya diretso higa na sa kama. Malaki naman ang kama niya, hindi sila magdidikit ni Wallace sa pagtulog. Hindi siya madalaw ng antok kaya nag-abang siya ng email o kaya’y mensahe sa kaniyang inbox sa social media. Ang tagal pang pumasok ni Wallace. Nang walang matanggap na mensahe, inilapag na niya sa mesita ang kaniyang cellphone saka pumikit. Hindi siya sanay ng sobrang liwanag kaya lampshade lang ang binuksan niya. Ginugupo na siya ng antok nang pumasok si Wallace. Nanatili siyang nakapikit at nagkunwaring

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD