Chapter 37

2129 Words

DAHIL tanghali nang nagising, hindi na pumasok sa trabaho si Angelica. Si Wallace ay hindi rin umalis ng bahay pero magre-report ito sa opisina after lunch. Nadatnan niya ito sa kusina at nagluluto, tanging itim na brief lang ang suot. “Nasaan si Vladimir?” tanong niya sa asawa. “Tulog pa. Napuyat ata sa ingay nating dalawa kagabi,” anito. Hindi niya napigil ang kaniyang tawa. “Seryoso ka ba? Narinig ba talaga niya tayo?” “Natural, malapit lang ang kuwarto ko sa kuwarto mo. At saka sa talas ng pandinig ni Vladimir, kahit nga kaluskos ng ipis naririnig, tayo pa kaya? Ang ingay mo pa naman, para kang kinakatay.” Tinampal niya ito sa pisngi ng pang-upo. “Mas maingay ka naman! Ang lulutong pa ng mura mo!” “Hindi maiirita si Vlad sa boses ko. Sanay na ‘yon. Eh, ikaw, para kang binabayo ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD