KAKAUSAPIN sana ni Angelica ang caller pero pinigil siya ni Wallace. Inutusan siya nito na pulutin ang linya niya. “Let me talk to him,” anito saka lumabas ng bahay. Inubos na lamang niya ang kaniyang bagkain at bumalik sa kusina. Tapos na ring kumain si Vladimir at may hinahabol. May inapakan ito sa sahig. “Ano ‘yan?” curious niyang tanong. “A baby cockroach.” She rolled her eyes. Kaya pala simula noong dumating sa bahay nila si Vladimir ay wala na siyang makitang ni isang ipis. Napisa nito ang ipis at dinakot gamit ang tissue paper. Maghuhugas sana siya ng plato pero pinigil siya nito. “Ako na bahala riyan. Umalis ka na dahil maglalason ako ng mga ipis. May bagong panganak na naman,” sabi nito. “Okay. Salamat.” Pagdating niya ng lobby ay naroon na si Wallace, nagbibilang ulit