KAMUNTIK nang tamaan ng bala si Angelica, mabuti nakatago siya sa likod ng nakaparadang kotse. Pangalawa na iyon, ang una’y napansin ng kasama niyang pulis ang pulang dot sa kaniyang kaliwang dibdib. The dot was a target spot sign of the sniper riffle. Siya ang target ng mga suspect. Ang hindi niya maintindihan ay hindi tumama sa kaniya ang bala ng sniper at namataan nila itong nahulog mula sa rooftop ng hotel na katapat ng istasyon. May bumaril din dito. May backup ang hitman na si Bradly, at ito rin ang sinusuportahan ng sniper para makatakas sa kulungan. “Ang tapang ng assassin, nagpakita pa siya sa atin bago pinatay ang target niyang bilanggo,” sabi ni Dave. Hindi pa magaling ang binti nito pero bumalik na sa trabaho. Ang laki ng damage na naiwan sa istasyon nila. May limang pulis