Chapter 10

2170 Words
PAG-UWI ng Pilipinas ay kaagad pumasok sa trabaho si Angelica. Hindi puwedeng mawala siya nang matagal dahil wala pa siyang partner. Nailipat kasi sa ibang lugar si Jonas, ang crime scene investigator nila na lalaki. Aside from her ongoing investigations, she regularly works with the private anti-syndicate group. She’s not obliged to handle the case of the killed police officer, but she's already devoted herself to the case connected to the mafia group. Naghiwalay na sila ni Wallace paglapag pa lang ng Maynila. Obligado na itong asikasuhin ang responsibilidad sa namanang business ng daddy nito at kumpanya ng parents niya. Since connected ang operations ng dalawang company, hindi na mahihirapan si Wallace na mag-manage. Mukhang gamay naman nito ang kalakaran sa negosyo. “Congratulation, Detective!” bungad ng forensic staff kay Angelica. Kapapasok lamang niya sa laboratory upang hingin ang detalye mula sa bagong kaso. “Thanks,” matabang niyang tugon. Nilapitan niya si Andy na nagti-take note ng detalye mula sa bangkay ng lalaki. Katatapos lang ma-autopsy ang katawan nito. What have you got?” she asked Andy. “Hm, the victim’s lungs exploded because of the pressure. He was comatose for fifteen days in the hospital. And his wife decided to transfer him to home.” “Saan nangaling ang pressure?” usisa niya. “From the maximum pressure of the oxygen. Someone set the oxygen in the high pressure that pumped hard to the victim’s lungs,” paliwanag nito. “That’s odd. Is there a witness?” “N-No. Sabi ng asawa, nakatulog siya. At nagising na lang siya na wala nang buhay ang kaniyang asawa. Pero itinuro niyang salarin ay ang nakababatang kapatid ng biktima na may galit dito.” “Give me the details of the people involved,” aniya sa isang pulis na umaalalay sa kaniya. “Yes, ma’am.” Nang makuha ang detalye ay pinahuli niya ang taong nasa listahan para sa interrogation. Ayaw niyang nabibinbin nang matagal ang isang kaso at gustong ma-solve kaagad bago mapatungan ng panibago. Ang kaso, hindi na raw mahagilap ang kapatid ng biktima kaya kumilos na rin siya upang dayuhin ang lugar ng biktima. Lulan siya ng kaniyang kotse nang tumunog ang kaniyang cellphone. Tinanggap niya ang tawag mula kay Wallace saka binuksan ang loudspeaker. “Where are you?” kaagad ay tanong nito. “May hinuhuli akong kriminal!” nakataas ang boses na tugon niya. “Tsk! Bumalik ka na kaagad sa trabaho?” “Oh, eh ano naman?” “We will have a company tour and proper turnover. What the heck are you doing?” “I’m working, Wallace.” “Honey, katatapos lang ng kasal natin. Baka puwedeng iwan mo muna ang trabaho mo.” “I’m not working as the CEO or chairman of the company to be able to set aside some work. Wallace, patung-patong ang kasong hawak ko. Ang kriminal, tumatakas, nagtatago. Kung maghihintay kami kung kailan sila lalapit, puputi na ang utak at baka makabiktima pa sila ng ibang tao,” aniya. Pumalatak na siya. “I don’t care about your f*cking job! You agreed to marry me, then what? This is it? Isinalba mo lang ang sarili mo mula sa inuungot ng daddy mo, ‘tapos iiwan mo ako sa ere?” Sa inis niya’y pinutol na niya ang linya. Wala naman talaga siyang magagawa sa kumpanya ng daddy niya. “Siguro kung na-asign ako sa zero crime rate na lugar, magiging boring ang trabaho ko. Sadly, I’m here in Manila, crime are everywhere,” usal niya. Nang walang mapala sa kakahabol ng suspect, nag-undertime sa trabaho si Angelica. Tinadtad kasi siya ng text ng mommy niya at pinapupunta siya sa opisina. Nanghihina na raw sa stress ang daddy niya at biglang tumaas ang presyon. Nadala ito sa ospital. Palubog na ang araw nang makarating siya sa opisina dahil sa buhol-buhol na traffic. Inabutan siya ng rush hour at merong road accident siyang nadaanan. May pitong palapag ang gusali at main office ng kumpanya ng daddy niya. Naabutan na niya si Wallace sa CEO’s office. Ang mommy lang niya ang kasama nito dahil nasa ospital ang daddy niya matapos atakehin ng altapresyon. “I’m sorry, Mom,” tanging nasabi niya sa kaniyang ina. Si Wallace na ang nakaupo sa harap ng lamesa ng daddy niya. Tahimik lang itong pinagmamasdan siya. Tinabihan niya ang kaniyang ina sa couch. Mangiyak-ngiyak na ito at nagmakaawa sa kaniya. “Hindi na bumabata ang parents mo, Angel. Your job was one of the reasons why your dad couldn’t stop worrying about you. Simula noong naging detective ka, ikaw na lang ang iniisip niya, ang kaligtasan mo. Alam niya na maari kang balikan ng mga kriminal at kung ano ang magawa sa ‘yo,” litanya ng ginang. She took a deep breath. “I had talked to Dad about it already, Mom. It’s my chosen career, and Dad didn’t protest.” “Yes, because he knew that he can’t stop you. Kahit sana makialam ka sa isyu ng company. Ni minsan ay hindi ka nagtagal kahit isang oras dito sa opisina. Kahit sa bahay, umuuwi ka lang para matulog, gigising para papasok.” Naglabas na ang saloobin ang kaniyang ina. “Sorry. I will try to manage my routine and give time for this company,” aniya. “Don’t say you will try. Please do it, hija. At huwag mo ring kalimutan na may asawa ka na.” Napaluha na ang kaniyang ina. Sinipat niya si Wallace. And for the first time, she saw him serious. Ang tahimik nito, wari hindi makabasag-pinggan. Nilalaro nito ang ballpen sa mga daliri habang isinasayaw ang upuan. “Babalik ako sa ospital. Bago ka uuwi, bisitahin mo ang daddy mo,” pagkuwan ay paalam ng mommy niya. “Yes, Mom,” aniya. Hinatid na niya sa labas ang ginang. Nang makabalik siya sa loob ng opisina ay kaagad niyang nilapitan si Wallace. Alam niya kinausap nito ang daddy niya tungkol sa company. Itinukod niya ang kaniyang mga kamay sa lamesa at inilapit ang mukha kay Wallace. “Ano ang mga sinabi mo kay Daddy, ha?” kastigo niya rito. “Hey, calm down. I’m not a criminal, kung makatanong ka naman,” angal nito. Umupo ito nang maayos. “Ano nga ang sinabi mo kay Daddy?” may gigil niyang tanong. “Nagtanong kasi siya kung may ideya ako tungkol sa mga kasong pinagkakaabalahan mo. Sabi ko, may hinahabol kayong mafia group na isa sa pumatay sa kasama mong pulis,” sabi nito. Tuluyang uminit ang ulo niya. “Eh, sira ka pala, eh! Bakit mo sinabi ‘yon? Wala akong pinagsasabihin kahit sino sa pamilya ko tungkol sa kasong ‘yon!” Gustong-gusto na niyang dakutin ang mukha ni Wallace at dukutin ang magaganda nitong mga mata. Kinaiingatan niya na huwag malaman ng daddy niya na nahihimasukan siya sa kaso ng mga mafia. Alam kasi niya na mag-aalala ito sa kaniya. Ayun, na-stress bigla ang daddy niya. “Sorry, I don’t know. Bakit kasi naglilihim ka sa daddy mo?” ani Wallace. “My dad has heart problem, Wallace. Hindi siya puwedeng ma-stress,” aniya. “I know, but I thought he was aware of the cases you handled.” “Not all. Alam niya na hawak ko ang mga kasong may kinalaman sa pagpatay, pero about syndicate, it’s a top secret mission!” Napasintido si Wallace. Mukhang ina-under-estimate nito ang kaso ng mga mafia. Akala ata nito mga pipitsuging mafia lang pinupunterya niya. “You know, I heard some facts about mafia. Hindi naman sila harmful sa mga pulis dahil layunin lang nilang kumita ng pera sa ilegal na paraan. And some mafias build their organization for protection. Kung hindi makikialam ang mga pulis sa operations nila, walang mapapahamak,” sabi nito. Hindi niya nagustuhan ang opinyon nito. “Wala kang alam, Wallace. Baka bumabase ka lang sa mga low budget mafia movies na puro pagbebenta ng laman ng babae ang alam na hanap-buhay. There’s more dangerous facts about mafias,” aniya. “I know.” “Ano’ng alam mo?” Naging uneasy si Wallace. “I mean, I know mafias are dangerous, pero hindi lahat gustong kalabanin ang mga pulis. Ang iba nga ay umiiwas pa.” Tumawa siya nang pagak. “Bakit mo alam? Naranasan mo na ba maging mafia?” aniya. Manghang tumitig sa kaniya si Wallace. “Ano ba namang tanong ‘yan?” “O baka may kilala kang mafia. Ang alam ko, nakikipag-deal din ang ibang mafia sa mga businesman.” She grinned, teasing Wallace. “Alam mo, ang hirap sa detective na katulad mo, pati sa personal na buhay ay ina-apply ang nature ng trabaho. Puwede bang maging asawa naman kita? Isang babae na may care sa lalaki, naglalambing, nagluluto at--” “Shut up!” she cut him off. Tumayo siya nang tuwid at humalukipkip. “Siya nga pala, napalinis mo na ba ang bahay mo?” pagkuwan ay tanong niya. “Ah, bukas pa. Papupuntahin ni Mommy ang mga kawaksi niya sa bahay ko para maglinis,” anito. “Good. Pero hindi muna ako uuwi roon ng isang linggo.” “Ano? Bakit naman?” “Dad’s health was not good. Kailangan ko munang bumawi sa kaniya.” “Okay, pero maglaan ka naman ng time sa company mo. I madly need your help.” “I’ll think about that. I have to go,” sabi niya. “Wait! Saan ka pupunta?” pigil nito. “Pupuntahan ko sa ospital si Daddy.” Tumayo si Wallace. “Mamaya na at sabay tayo. May pupuntahan tayong hearing para sa pag-recover ng stocks natin mula sa isang investor na kinasuhan ng daddy mo.” “Now na? Maggagabi na, Wallace.” “Actually tapos na ang hearing pero kailangan nating makausap ang abogado ng daddy mo. I just called him, and he’s currently in the trial court now.” She rolled her eyes. Simula noong naghiwalay sila ni Adamson, wari allergic na siya sa workplace ng mga abogado. But she doesn’t have a choice. Sumama siya kay Wallace. Wala siyang tiwala sa driving skills ni Wallace kaya kotse niya ang ginamit at siya ang nag-drive. Pagdating nila sa trial court ay wala na masyadong tao pero may mga abogado pang pakalat-kalat. Naabutan pa nila ang abogado ng daddy niya at ibinigay ang papeles na kailangan ni Wallace. “Since Mr. Federio had an emergency health issue, we will process the company’s rights turnover tomorrow afternoon,” sabi ni Atty. Alferos. “No, problem, Attorney. But my wife was unsure if she would be there during the turnover,” ani Wallace. “She has to be there. Her signature was also important,” anang abogado. “No choice ka, honey,” bulong sa kaniya ni Wallace. Sinundot pa nito ng daliri ang baywang niya. Inirapan niya ito. “I’ll give you one hour for the transaction tomorrow,” aniya. “What?” amuse nitong untag. Nang magpaalam si Atty. Alferos ay lumabas na rin sila. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasabay nila sa exit si Adamson na naka-suit, may bitbit na itim na suitcase. “Angel?” bigkas nito. Halos magkabungguan na ang balikat nito at ni Wallace. Sabay silang napahinto ni Wallace at humarap kay Adamson. “Hi, Adam! How are you?” kaswal na bati niya sa dating nobyo. Kapansin-pansin ang paghumpak ng pisngi nito pero makisig pa rin tingnan. Matipid siya nitong nginitian at mayamaya ang sipat kay Wallace na tahimik lang. “Kumusta ka?” tanong ni Adamson. Akmang lalapitan siya nito pero mabilis niyang ikinawit ang kamay sa kanang braso ni Wallace. Sinadya niyang ipakita kay Adamson ang suot niyang wedding ring. Tumabang ang ngiti nito at umatras. “Ikinasal ka na pala,” anito sa malamig na tinig. “Yes, and he’s my husband, Wallace Mancini,” aniya, pinakilala si Wallace. “Hi!” tipid namang bati ni Wallace. Titig na titig si Adamson sa mukha ni Wallace, curious. “You look familiar. Have we met before somewhere else?” kausap nito kay Wallace. Wallace was stunned, as if he found Adamson familiar, too. “Uh, I don’t think so,” maang nito. Tila napapaisip pa si Adamson. Nang mainip si Angelica sa tagpong iyon, umapela na siya. “Nice to see you again, Adam. Sorry, we need to go,” aniya. Wala namang kibo si Adamson at sinundan lang sila ng tingin. But later on, Angelica realized that Adamson’s reaction toward Wallace felts suspicious. He might have really met Wallace before. Pero paano? Hindi naman pumupunta sa ibang bansa si Adamson. At ayon kay Wallace, hindi rin ito naglalagi sa Pilipinas. Weird. “Sino ba ang lalaking ‘yon?” tanong ni Wallace nang lulan na sila ng kotse. “He’s my ex-boyfriend,” aniya. Siya pa rin ang nagmamaneho. “The lawyer?” untag nito. “Yes.” “F*ck!” Ang lutong ng mura nito. Pinagdilatan niya ito ng mga mata. She hates Wallace for cursing rudely; it’s annoying.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD