Chapter 9

1995 Words
KONTI lang ang bisita sa kasal, mga magulang ni Angelica, at side ng pamilya ni Wallace. Hindi niya sineryoso ang seremonya dahil may kakaiba siyang napapansin sa kilos ni Wallace. Hindi ito mapakali habang nakaharap sila sa altar, tila iyon ang unang pagkakataong pumasok ito sa simbahan. Siniko niya ito sa tagiliran. Nakaluhod sila sa sahig kaharap ng naglilitanyang pari. Sinipat naman siya nito. “Bakit?” pabulong nitong tanong. “Para kang pusang hindi mapaihi riyan. Ano ba ang problema mo?” bulong din niya. “Uh, para kasi akong pinapaso. I never visit churches, you know.” Inirapan niya ito. “Umayos ka.” Ngumiti lang ito saka ibinalik ang atensiyon sa pari. Pagkatapos ng seremonya ay pirmahan na ng kontrata. At siyempre, ang makasaysayang kiss the bride. Wala na itong thrill kay Angelica. Mabilis lang ang halik ni Wallace sa bibig niya at atat na itong lumabas. Ang venue ng party ay sa isang hotel kung saan din sila naka-check in na mag-anak. Pag-aari ng half-brother ni Wallace ang hotel kaya nakalibre sila. Sponsor nito lahat ng accommodation at pagkain. Mabait naman pala ito at professional. Guwapo rin ito pero para sa kaniya, mas malakas ang s*x appeal ni Wallace. Pagkatapos ng sayawan, lunch na. Sa mahabang lamesa sila pumuwesto ni Wallace. Naroon ang mga special guest, mga kaibigan ni Wallace. Masasarap ang pagkain pero hindi makabuwelo ng kain si Angelica dahil sinisikmura siya. Wala kasi siyang maayos na tulog. May dumating pang kaibigan si Wallace na artistahin pero dominante. Naka-suit ito ng itim, clean-cut ang buhok. Mas matangkad ito kay Wallace, siguro isang pulgada. Moreno ito pero makinis ang kutis. “Are you done, eating?” tanong ni Wallace sa kanya. “Oo,” wala sa mood niyang sagot. “My friends wants to meet you.” Tumayo naman siya at sumunod sa asawa. Nilapitan nila ang mesa ng mga kaibigan nito. Kilala na niya lahat, maliban sa bagong dating na dalawa. “Guys, thank you for coming!” sabi ni Wallace sa kadarating na mga kaibigan. Awtomatikong nabaling kay Angelica ang tingin ng dominateng lalaki. He smiled sharply and stood up. “Hello, Detective!” the guy greeted huskily. He extended his right arm for her. Mukhang naikuwento na rito ni Wallace kung ano ang trabaho niya. Dinaop niya ang palad ng lalaki at kinamayan ito. “Hi! I’m Angelica,” kaswal niyang pakilala. “I know you. Wallace told me about you. I’m Yoshin by the way,” anito, nagpakilala rin. Banayad nitong pinisil ang kaniyang palad bago binitawan ang kaniyang kamay. Tumayo rin ang isa pang kaibigan ni Wallace na bagong dating. Kinamayan din siya nito. “I’m Chase,” tipid nitong pakilala, kasing tipid ng ngiti nito. Pagkuwan ay pinaghila siya ni Wallace ng silya sa harap ng mesa ng mga kaibigan nito. Nakihalubilo siya sa mga ito pero tila idinadarang siya sa apoy. Bukod sa ang guguwapo ng mga kaibigan ni Wallace, ang lalakas ng dating, may napansin siyang kakaiba sa aura ng mga ito. It felt something dark aura that anytime might harm her. She pressed her nape to erase her unpleasant thought. Mukhang mababait naman ang mga kaibigan ni Wallace, halatang mayayaman. Amoy pa lang ng perfume, expensive na. Katulad ni Vladimir, halos weird ang ibang kaibigan ni Wallace. Si Dwayne lang ang para sa kaniya ay komportableng kasama at kausap. Kasama nito ang asawa’t dalawang anak. Hindi siya mapakali. Ramdam kasi niya ang init ng titig sa kaniya ni Yoshin, tila ba kinikilatis siya. Ito ang katapat niya, katabi ni Alejandro at Chase. Upang ma-dictract ito, nginitian niya. “Are you a businessman, too, Yoshin?” tanong niya sa lalaki. He smirked. “Yeah, I have a lot of business, and Wallace was one of my business partners,” he said. Mahinhin itong sumimsim ng red wine. “Nice,” komento niya. “What about you? Aside from being a detective, are you dealing with some other business? If yes, we can be partners,” anito. “Yoshin!” awat ni Wallace sa kaibigan. Ngumisi lang si Yoshin at nakatutok ang atensiyon kay Angelica. “Uh, I’m not interested in business. I married Wallace to help my parents manage our companies. My job consumes a lot of time, so I have to deal with it,” she said. “Oh, great. And Wallace mentioned that you are targeting the mafias and wanted to wreck them,” si Yoshin. She giggled. Pasimpleng inirapan niya si Wallace na hindi mapakali sa kaniyang tabi. “Actually, my job was focusing on cases related to murders. But since some mafia cases involved killing, I also put them on the list.” “Are you aware how foreign mafia works?” usig ni Yoshin. “I have an idea. Of course, I studied all kinds of crimes or activities against international and local law. My knowledge was evolving from time to time. I never stop studying and discovering things,” she proudly said. Mahinang pumalakpak si Yoshin, at ang ngiti ay nakaloloko. Hindi niya magawang ngumiti rito. Nagsisimula siyang mairita sa hitsura nito. She felt like she was facing satan in disguise. Mabuti na lang tinawag siya ng kaniyang ina. May dahilan siya upang magpaalam sa mga bisita ni Wallace. Hindi pa man tapos ang party ay pinag-usapan na ang business ng parents nila ni Wallace. Nilinaw ng daddy ni Wallace kung ano ang mga kumpanyang mapupunta rito, at wala namang angal ang half-brother nito. Oliver already had his huge investments, and he’s not chasing another wealth from his father. Tuwang-tuwa ang mommy ni Wallace nang makuha nito ang airline company ng Mancini empire. Iyon lang naman ang habol ng ginang kaya gusto nitong ikasal sila ni Wallace. Isa kasi iyon sa deal ng daddy ni Wallace. Lalakas kasi lalo ang business nito kung makiisa sa daddy niya. Kung tutuusin ay higit na mayaman ang pamilya ni Wallace kumpara sa kanila. Pero hinahabol pa rin ng daddy ni Wallace ang negosyo nila. Also Wallace has his own private travel agencies and airline for business and tourist travel. Pinapaupahan nito ang airline units at jets sa mga bilyonaryong businessman na kailangan ng private flight or business tour. Iisang kuwarto lang ang inilaan para sa kanila ni Wallace. Hindi na pinatapos ni Angelica ang party at umalis na siya. Nagbabad siya sa bathtub. Kung kailan maganda na ang puwesto niya ay saka naman may kumatok sa pinto ng banyo. May room access card din si Wallace kaya malaya itong makapasok. “Ano ba!” sigaw niya. “Open the door!” sigaw rin ni Wallace. “Naliligo ako!” “Maliligo rin ako!” Ayaw nitong tumigil sa pagkatok kaya tumayo siya at binuksan ang pinto. Bumalik din kaagad siya sa tub at lumublob. Talagang nilapitan siya ni Wallace at nagmadaling naghubad. Papasok din sana ito sa tub pero itinulak niya sa puson. “Bakit?” amuse nitong tanong. “Sa shower ka maligo!” “Hey! Baka nakalimutan mo na kasal na tayo. At pagkatapos ng kasal, may honeymoon,” paalala nito. “Mag-honeymoon ka mag-isa mo!” Pumasok pa rin ito sa tub at hindi niya napigilan. Pumuwesto ito sa paanan niya kaya inurong niya ang kaniyang mga paa. “Don’t be cruel to me, honey,” anito. Nabaling ang tingin niya sa kanang braso ni Wallace na may benda. “Ano’ng nangyari sa braso mo?” hindi natimping tanong niya. “Uh, sumabit sa bakod na may matalim na wire. Nalasing kasi ako noong pauwi ako sa bahay sa Italy,” tugon nito. Binato niya ito ng mahayap na tingin. “For sure, may kinalantari ka na namang babae! Nako!” Tinadyakan niya ito sa hita. “Hey! Wala, ano ka ba? I never touch another woman.” “Since when?” “Since we had sex.” “I didn’t believe you.” Inirapan niya ito. “Promise, mamatay man ako bukas.” “Bakit hindi ka na lang ngayon mamatay nang maging biyuda na kaagad ako?” inis niyang sabi. Pinagtawanan pa siya nito. “Bakit ba ang init ng ulo mo? Inaano ka ba?” Tinadyakan ulit niya ito sa hita. “Sa tuwing nakikita kita, nai-imagine ko kung paano ka bumayo sa ibang babae. Napakalandi mong nilalang!” Lalo siyang naging iritable nitong nagdaang araw. Palibhasa malapit na ang period niya. Madalas siyang may hormonal imbalance, swing mood. “Angel, kumalma ka nga!” seryoso nang sabi ni Wallace. Natutuwa siya sa tuwing seryoso ito. “Oh, ano? Patunayan mo sa akin na malinis ka. Magpa-medical ka muna,” sabi niya. “I have done my medical a week ago before our wedding.” “Eh, baka kahapon may binayo kang babae!” “Honey naman! Ang harsh mo sa akin. Baka puwedeng paisa naman,” anito, humirit pa. “Isahan kaya kita ng sapak!” “Tangina namang buhay ‘to, oh. Seriously, tao ka ba talaga?” Tumayo si Wallace at inalis ang bula sa armas nito. Pagkuwan ay hinubog nito iyon. “Huwag mong patigasin ‘yan!” “Mangyari bang hindi titigas ‘to? Alam ng alaga ko na honeymoon natin kaya naghahanda.” Ngumisi pa ito. Winisikan niya ito ng tubig. “Bwisit ka! Umalis ka nga rito!” “Relax. Hindi naman kita pipilitin, eh, pero araw-araw kitang sisingilin.” Akmang tatadyakan niya ito pero umalis ng tub at tumakbo sa shower. Lalo siyang napikon sa kapilyuhan nito. “Ayusin mo ang sarili mo, Wallace!” aniya. “Maayos naman ako, ah. Ano ba ang problema mo sa akin?” “I felt something unpleasant from you. Ano ba ang tawag mo sa grupo ninyong magkakaibigan? Ang we-weird ninyo, lalo na si Yoshin at Vladimir. Parang may mga itinatago silang maitim na kulay,” aniya. “Honey, you’re just judgemental. Huwag mo masyadong pairalin ang detective mind mo. Baka sa sobrang pag-iisip mo ng kung ano sa mga kaibigan ko ay ma-in love ka sa isa sa kanila. Ikaw rin, ipagkakalat ko na cheater ka.” Sinipat niya si Wallace. Inaalis nito ang benda sa braso nito. Nagulat siya nang makitang malaki rin ang sugat nito na merong tahi. “Sigurado ka bang simpleng sugat lang ‘yan?” tanong niya sa asawa. “Oo naman. Malayo ‘to sa bituka.” “Patingin.” “It’s fine, honey. Don’t worry.” Sinulyapan siya nito at kinindatan. “I’m not worry. Gusto ko lang makita ang sugat mo nang malaman kung ano ang talagang nakasugat diyan.” “Seriously? Paano mo malalaman?” “Basta!” “Huwag na. Maligo ka na lang diyan.” Nagbanlaw na kaagad ito saka lumabas. Pumikit na lamang siya at nag-enjoy sa pagbabad sa tub. Pero mamaya rin ay inaabala siya ng mga bagay na nagpapalito sa kaniya. Sumagi sa isip niya ang conversation nila ni Yoshin. And while they were talking, she noticed a familiar tattoo on Yoshin’s left arm, sa pulupusluhan nito. Napansin niya iyon nang pumalakpak ang lalaki. Saglit lang niya iyong napansin pero pamilyar ang imahe. Umahon siya bigla at nagbanlaw sa shower. Paglabas niya ng banyo ay wala roon sa kuwarto si Wallace. Naiwan ang cellphone nito sa mesita na tumutunog, and someone calling. Dinampot niya ang cellphone at landline ang tumatawag. Nagdalawang-isip siyang sagutin ito, but since she realized that Wallace was her husband, she had rights to answer some calls from his friends. Sinagot niya ang tawag pero hindi siya kaagad nagsalita. Nakinig lang siya. “Boss, I have an update for the next operation. We got some details for the upcoming product to be sold in the under--” naputol ang tawag nang may umagaw sa cellphone. “Ops! That’s my phone!” ani Wallace. Nagulat siya sa biglang pagsulpot nito. Hindi man lang niya namalayan ang pagpasok nito sa kuwarto. Sinundan niya ito ng tingin habang palabas muli. Naiinis siya. Hindi pa rin siya sigurado kung magiging komportable ba siya kay Wallace.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD