MAY isang linggo pa bago ang kasal. And Wallace can’t ignore Yoshin’s order, so he travels back to Italy to fix the problem. He convinced Vladimir to come with him.
“Ano’ng gagawin natin sa Sicily?” tanong ni Vladimir.
Patungo na sila sa HBO headquarter to meet Yoshin. Alam niya ayaw ni Vladimir na bumibisita sa Sicily dahil naiinis ito. Naroon sa Sicily ang namana nitong mafia organization mula sa pamilya. Vladimir was a dangerous Sicilian mafia boss in his generation, and Yoshin knows that fact.
“Doon nagtatago ang apat na former member natin at umanib sa Grelace alliance. You know that mafia group, right?” aniya.
“Yes, the group of cowards.”
He giggled.
Pagpasok nila sa opisina ni Yoshin ay ginulantang sila nito ng hubad na katawan.
“Are you done f*cking a ghost?” walang gatol na tanong ni Vladimir kay Yoshin.
“F*ck you, as*hole!” Malutong itong minura ni Yoshin. “I have just done working out, and my clothes have gone.”
Napasilip si Wallace sa ilalim ng lamesa. Hindi niya napigil ang kaniyang tawa nang mapansin ang siberian husky dog ni Yoshin na nginangatngat ang brief nito at pants.
“I think you should cut your dog’s head, bro. He’s betraying you,” wika niya.
Napatingin si Yoshin sa ilalim ng lamesa at umusok ang ilong sa galit. “F*ck you, Cocoro! You didn’t brush your f*cking teeth yet!” nanggagaliting sabi nito sa aso.
Nang akmang dudukutin nito sa ilalim ng lamesa ang aso ay biglang tumakbo kagat-kagat ang itim nitong brief. Hinabol pa nito iyon hanggang sa labas na nakalawit ang heganteng armas.
“I hate dogs,” usal ni Vladimir. Lumuklok ito sa swivel chair ni Yoshin at nakialam sa mga nakapatong na papeles sa lamesa.
Siya naman ay lumuklok sa couch sa may gawing kaliwa ng pintuan. Hinintay nila na makabalik si Yoshin.
“Yoshin was targeting the Philippines anti-syndicate organization,” mamaya ay sabi ni Vladimir.
“What?” Napaupo siya nang tuwid at mulagat na tumitig kay Vladimir.
“Kasama ang future wife mo sa target niya, at saka ang organization na sinusuportahan ng ex-boyfriend niyang abogado.”
“F*ck!” Marahas siyang tumayo. “Yoshin was dragging himself into the worst war.”
“He can manage that.”
“We need to get out of this organization, Vlad.” Nababahala na siya.
Once kasi nakilala ng mga anti-syndicate group ang BHO, mabilis na lang silang mapabagsak ng mga ito. At kapag nakilala rin sila sa underground market, pag-iinitan sila ng ibang mafia group.
“Do you think Yoshin was easy to destroy?” ani Vladimir.
Mamaya ay bumalik si Yoshin at nakabihis na ng purong itim na denim pants at long-sleeve polo na hindi naibotones sa harap. Tumayo naman si Vladimir at lumipat sa couch katabi ni Wallace.
“Are you two prepared for the mission tonight?” tanong ni Yoshin. Nakaupo na ito sa harapan ng lamesa.
“What mission?” ‘takang tanong ni Wallace.
“Chase sent me a notice that the most expensive painting in the world will be on auction tonight in Berlin. He already made the fake one to replace the original. And you two need to meet Chase on time for the auction event.”
Napailing si Wallace. “Akala ko ba tutugisin namin ang mga hinayupak na alipores mo sa Sicily?” sabi niya.
“After the auction, you can proceed to Sicily. Use my private jet to travel.”
Napasintido si Wallace. Mabubugbog pala sila nito. Walang imik si Vladimir dahil simple lang dito ang pinagagawa ni Yoshin.
Tumayo na si Vladimir. “I’m hungry. I need coffee,” sabi nito.
“Go to the kitchen and ask for the men there,” si Yoshin.
Walang pakialam si Vladimir, iniwan na lang sila basta.
Wala rin naman siyang choice kundi sundin si Yoshin. Kailangan niyang maging mabait dito. He accepted the mission.
AFTER lunch ay bumiyahe na sila patungong Berlin para makausap nila si Chase, ang bagong member ng grupo. Ginamit nila ang private jet ni Yoshin at ang piloto nito ang kasama. Sa mismong paliparan ni Chase sila bumaba, isang private airport na nasasakop ng malawak nitong lupain sa gitna ng gubat.
Chase has also established a mafia group managed by his relative. He joined the BHO for his freedom and to invest more money. Galit ito sa pera kaya hindi puwedeng walang pumapasok ng salapi sa account nito araw-araw. Sinalubong kaagad sila ng tauhan ni Chase.
Pagdating sa tatlong palapag nitong mansiyon ay hindi man lang sila pinaupo ni Chase.
“We need to come early to the auction venue to get the original painting,” nag-aapurang sabi ni Chase. Nakabihis na ito ng black suit.
“What the heck? Hindi mo man lang ba kami paiinumin ng tubig?” angal ni Wallace.
“You can grab bottled water in the refrigerator. We're running out of time,” sabi lang nito.
“You son of a b*tch!” usal niya.
Si Vladimir na ang kumuha ng inumin nila. Pumuslit pa ito ng kape. Konti na lang ang magiging kape na ang dugo ni Vladimir. Limousine pa talaga ang ginamit nilang sasakyan papuntang venue. Of course, they will pretend to be a big-time bidder in the auction.
Siya ang nagkunwaring bidder, si Vladimir ang look-out, at si Chase naman ang papasok sa kuwarto kung saan nakatago ang target nilang painting. Nakihalubilo siya sa auctioneer at nagkunwaring interesado sa mga item. Nakakuha na siya ng bidder number at hinintay na magsimula ang bidding.
May suot siyang earphone kung saan nagbibigay ng update ang kaniyang mga kasama. Once nakuha nila ang painting na original, ibebenta naman nila ito sa underground market sa dobleng presyo kaysa karaniwang auction. Doon maraming sindikato ang nangongolekta ng antiques. Tinutubuan din ito ng iba para sa mas malaking halaga kaysa sa auction.
Bago magsimula ang bidding ay nakuha na ni Chase ang original painting at pinalitan ng peke na gawa nito. Mabuti unang isinalang sa bidding ang painting. Tatlo lamang silang bidder ang interesado sa painting. Of course, he will fight at first, but in the end, he will give up. Wala naman talaga siyang pera para roon. Ang matandang Chinese ang nakakuha ng painting.
Nakalabas na siya ng gusali nang magkagulo at may nakapansin na peke ang painting dahil segurista ang Chinese, may antique detector pala ito.
“Nice one, buddy,” sabi ni Wallace kay Chase. Lulan na sila ng kotse pabalik ng mansiyon ni Chase.
Wala namang specials a painting. Larawan ito ng farmer na nagtatanim ng palay. The painting was as old as his great-great-grandfather, and it has painted by a Thai artist who used organic color from plants to paint.
“Magkano ba ang painting?” tanong niya kay Chase.
“Sa auction, original price ay three million US dollars. Times two ang price nito once may nag-offer ng mas malaking halaga. The auctioneer has the right to increase the price,” ani Chase.
Artist din si Chase kaya kabisado nito ang aspetong may kinalaman sa sining. Namana nito ang talento sa pinay na nanay.
“Samahan mo pala kami sa Sicily,” hirit niya.
“Sure. I already received the order from Yoshin to help you.”
“Thanks.”
Kumain lang sila sa mansiyon ni Chase saka tumuloy sa Sicily. They already had a hint of where to find the four men's targets. Dahil maraming kalaban, tumawag si Vladimir sa headquarter nito at pinasugod sa kampo ng kalaban upang alisin ang mga harang sa daraanan nila.
Kailangan nilang mapatay ang apat na former member ng BHO at mabawi ang sampung bilyong dolyar na ninakaw ng apat kay Yoshin. Ang isa sa targets ay wanted sa Pilipinas, kasama sa grupo na pumatay sa isang pulis. Kailangan nilang mahuli iyon o mapatay at burahin ang bakas.
“Sh*t! It’s wrong timing!” bulalas ni Vladimir.
Papasok na sana sila sa kota ng kalaban ngunit may grupo ng mga pulis na nauna sa kanila. Kaya hindi na natuloy ang tauhan ni Vladimir.
“Damn it!” Gigil siyang napamura.
“Pasukin n’yo ang location ng banker ng grupo sa likuran. Haharangin ko ang mga pulis para hindi mabulabog ang grupo,” sabi ni Chase.
“Good idea. Let’s go!” aniya. Sabay na sila ni Vladimir na sumugod sa kota mismo ng mastermind. Doon nila makukuha ang perang kailangan. May universal access card si Vladimir na maaring mabuksan lahat ng automated lock.
“The raid operation was conducted by the joined forces of the Sicilian Police and the anti-syndicate agents from the Philippines. I’m sure they were looking for the suspect here,” Vladimir said.
Wala pang nagpapaputok ng baril kaya hindi pa aware ang mga sindikato. Ang mga bantay ay pinatulog na ng mga pulis. May ilang bantay silang nasalubong sa daan ngunit pinagbabaril ni Vladimir sa ulo gamit ang baril na may silencer sa dulo. Dumaan sila sa likuran ng four-story house.
Umakyat si Vladimir sa rooftop. May scaning divice ito kung saan makikita ang bolt ng pera. Nagsuot na rin siya ng itim na bonnet para sakaling makarating ang mga pulis sa location nila ay hindi sila mamukhaan.
Nakabukas lang ang linya ng komunikasyon nila at ina-update siya ni Chase.
“We need to hurry! The police has entered the first gate going to the main building!” Chase updated.
“Copy,” he replied.
“I got it,” update naman ni Vladimir.
“Be careful. Malapit na ang mga pulis,” aniya.
“I’m opening the bolt. Move to the backdoor fire exit. Doon ako lalabas. I will cut all the electrical connections.”
“Got it. I’m on the way to the fire exit!”
Kung kailan malapit na siya sa fire exit ay saka naman may nagpaputok ng baril mula sa harapan.
“Sh*!” bulalas niya. “Nagkakaputukan na, Vlad! Lumabas ka na riyan!” kausap niya sa kasamang nasa kabilang linya.
“I’m done! Talk to the pilot to move the chopper closer to this area!”
“Roger!”
Dahil hindi mabuksan ang lock ng fire exit, binaril niya ito mula sa labas. Saktong palabas na si Vladimir dala ang malaking bag ng pera. Ibinigay nito sa kaniya ang bag dahil nakipagbarilan ito sa mga guwardiya na humahabol.
Bumukas ang linya ni Chase. “Everyone, move to the forest!” sabi nito.
“We got it!”
May sa paniki talaga itong si Chase, ang bilis nitong nakalipat sa gubat sa likod ng gusali. Narinig na niya ang tunog ng chopper. May mga pulis nang nakarating sa area nila.
“Vlad, don’t shoot the police!” sigaw niya sa kasama.
“They are shooting us, as*hole!” tugon nito. Nakipagpalitan ito ng putok sa mga pulis.
“F*ck!” napamura siya nang maulanan na rin siya ng bala.
“Run, Wals! I’ll cover you!” ani Vladimir.
Hindi niya maiwan si Vladimir kaya bumaril na rin siya. Sa hita lang niya pinatatamaan ang mga pulis, pero si Vlad ay may napatay na dalawa. Naubusan na siya ng bala.
“Ugh! Sh*t!” daing niya nang matamaan siya ng bala sa kanang balikat.
“I told you to run away!” Kinagalitan pa siya ni Vladimir. Paatras na rin ito. Pinulot nito ang baril ng nakahandusay na pulis at ito ang ginamit.
“Cover me, bro! Tang*na! Ikakasal pa ako!” usal niya habang patakbo sa kakahuyan.
Malapit na sila sa chopper. Nakasampa na si Chase sa umaangat na chopper. Buhat sa itaas ay binabaril nito ang mga pulis na sumusunod sa kanila gamit ang sniper riffle.
Nagbaba ito ng hagdan kaya nakaayat siya. Tiniis niya ang sakit ng kaniyang sugat. Nangingilo ito sa kirot dahil sa init ng balang bumaon sa kaniyang balat. Nakasampa na rin sa hagdan si Vladimir pero patuloy pa ring bumabaril. Umangat na ang chopper at nakalayo sa kota ng kalaban.
Nahuli ni Chase ang isa sa nag-traidor nilang kasama. Pinatulog ito matapos turukan ng gamot. Chase was a ballistic expert, too, and a surgeon. Pagdating sa mansiyon nito ay kaagad nitong inoperahan ang sugat niya at inalis ang bala. May tama rin ng bala sa dibdib si Vladimir pero may bulletproof naman ito.
HINDI sumipot si Wallace sa family dinner tatlong araw bago ang kasal nila. Pinag-usapan na nila ang lahat ng kailangan sa kasal. Nakahanda na ang lahat. Ayon sa parents ni Wallace, pumuntang Italy si Wallace upang asikasuhin ang negosyo nito. May tatlong araw na noong umalis ito.
Kaaalis lang ng parents ni Wallace nang magpaalam siya sa kaniyang ina. She got a call from the anti-syndicate organization, and they had an update regarding the raid operation in Sicily.
“Gabi na, saan ka pa pupunta, Angel?” tanong ng mommy niya.
“I have an update from the current case. I need to check it immediately,” she said.
“Hay! Hindi ba puwedeng ipabukas mo na ‘yan? Hindi na nga nakauwi si Wallace, paalis-alis ka pa. Malapit na ang kasal mo. Ayusin mo ang schedule mo at tawagan si Wallace. Flight na natin bukas papuntang US.” Pumalatak na ang ginang.
“Why should I call him? Wallace chose to leave. Baka nahimasmasan na siya at na-realize na hindi pala niya kayang magpakasal.”
“Angel, anak, habaan mo pa ang pasensiya mo. Malayo ang Italy, hindi naman basta maayos ang problema ni Wallace.”
“And why he didn’t even answer his parent’s call?” Nagduda na siya kay Wallace. Maaring pinaasa lang nito ang mga magulang pero ang totoo’y wala talagang balak magpakasal.
“Baka busy lang ‘yong tao. Mas mainam na ikaw ang tatawag kay Wallace baka sagutin ka niya.”
“Nako! Run away groom na ‘yon! Sige, aalis na ako,” aniya.
“Angel!” tawag ng mommy niya.
Hindi na siya nagpapigil. Nag-drive siya patungo sa headquarter ng private organization na sinusuportahan ni Adamson. She didn’t expect to see Adamson there, and it was her chance to get more details from the organization without distraction.
Nagulantang siya nang mabatid na ang suspect na pakay nilang mahuli ay nawala sa lugar na na-raid ng Sicilian police at agents ng organisasyon.
“Paanong nawala?” tanong niya sa agent.
“May kumuha raw sa kaniya, Detective. Ayon sa report ng Sicilian police, may ibang grupo silang nakasabay na lumusob din sa kota ng sindikato. Wala silang nakulang pagkakilanlan sa grupo na gumamit ng chopper. At saka nilimas umano ng grupo na ‘yo ang pera ang sindikato,” paliwanag ng agent.
“Ano’ng grupo ‘yon?”
“Malamang mga mafia rin po kasi lumaban sila sa mga pulis. Maaring kalaban sila ng target na sindikato at may atraso sa mga ito.”
“Wala bang kahit anong reference para makilala ang grupong sumabutahe sa operation?” aniya.
“May na-recover po ang mga pulis na baril na may personalize bullet at isang tracking device. Nasa costudy na po ito ng balistic office. Nangako naman silang magbibigay ng update sa atin.”
Nagngitngit ang ngipin niya sa gigil. Pagkakataon na sana nila iyon upang mahuli ang isa sa suspect na pumatay sa kasama nilang pulis. Umalis na lamang siya nang wala nang karagdagang report.
Nanganganib na hindi matuloy ang kasal ni Angel kay Wallace dahil hindi pa ito umuuwi. Dumating na ang takdang oras ng kasal at nagpasya siyang huwag na lamang ituloy. Pero dumating na ang makeup artist na mag-aayos sa kaniya. Hindi rin siya pinayagan ng mommy niya na umurong sa kasal.
Kahit daw hindi makarating si Wallace, kumuha ng proxy ang mga ito at kahit late na ang pirma ni Wallace.
Inis na inis siya. Once hindi sumipot si Wallace, ititigil niya ang seremonya. Nakahanda na ang lahat, maging ang kotseng gagamitin. Kahit walang kasiguruhang darating si Wallace ay tumuloy pa rin sila. Katulad ng napagkasunduan, sa US ang kasal. Two days bago ang kasal ay bumiyahe na sila sa US gamit ang private plane ng mga Mancini. Kaya pagod ang kaniyang katawan.
Angel arrived on time at the church, but still, Wallace was not there. She didn’t get out of the car and decided to leave. Pero makalipas ang ilang minuto ay may tatlong magagarang kotse ang dumating, magkasunod. Nagliparan ang alikabok at usok dahil sa pagharurot ng mga sasakyan.
Sa pulang SUV ay may bumabang lalaking nakasuot ng abuhing tuxedo. Ilang sandali pa nang matanto niya na si Wallace na ito! Finally! The devil has arrived! Kasama nito si Vladimir na bumaba ng pulang kotse. Sa dalawang sasakyan ay may bumaba ring mga naka-suit na lalaki, mga may lahi at ang guguwapo. Kasama roon si Alejandro at Dwayne, mga kaibigan ni Wallace.
Napawi ang kaba niya. Hindi naman pala siya in-Indian ng lalaking ito. And she didn’t expect the excitement to strike her heart. It’s odd.