Nagising ako kinabukasan na wala na si Havoc sa kama. Lumingon ako sa bedside table, umaasa na may almusal at letter siyang iniwan pero wala rin. Kahit na hindi pa ako naghihilamos ay nagmamadali akong lumabas ng kuwarto, tumingin sa lamisita sa sala at sa kusina kung may letter pero wala. Ilang beses lang niyang ginawa iyon pero nasanay na ako. At nanlumo ako sa ideya na galit nga siya sa akin. Pero imbes na mas damdamin ko pa ang sakit ay nagpasya akong gumawa ng Leche Flan at magluto ng kare-kare para dalhin sa kanya sa opisina niya. Like I said, I badly have to redeem myself. Sa ganitong paraan at kasimpleng bagay man lang sana ay maipakita at maiparamdam ko sa kanya na nagsisisi ako sa ginawa ko. Maaga pa naman nang magising ako, at siguro ay alas diez iyon nang matapos na ako sa g