Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo sa hallway habang hinihintay na dumating si Havoc, o pagbuksan niya ako ng pinto ng unit niya kung nasa loob man siya. Hindi na ako umiiyak, pero sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim at nagpasyang tumayo, tapos ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para subukan siyang tawagan. Ilang ulit iyon, pero hindi siya sumasagot. Kaya sa huli ay si Primo na lang ang napagpasyahan kong tawagan. Mag-a-alas dose na ng gabi, at alam kong sobrang abala na ito sa kanya kaya nahihiya ako, pero kakapalan ko na ang mukha ko. Wala na kasi akong ibang alam na malapitan kung hindi siya. Siguro ay nasa anim na pag-ring ang narinig ko sa kabilang linya bago niya sinagot ang tawag ko. “Jara…” banggit a