Kinakabahan ako nang makababa na kami ni Havoc sa sasakyan niya, nilingon ko siya at ngumiti naman siya sa akin at inilahad ang kaliwang kamay niya. Nagdadalawang isip ako kung hahawak ako doon pero sa huli ay ginawa ko na lang. “I asked them so stay here, Jara, because I want to talk to them,” mababa ang boses na saad niya. “T-Tungkol saan?” kinakabahang tanong ko ulit, matamis naman siyang ngumiti kahit pa halata ang pagod sa mga mata niya. “Pagkatapos ng mangyari kanina… I realized that I can’t afford to see you hurting and crying, and I’m ready to make things right,” sagot niya na ikinalito ko. Bago pa ako makasagot ay marahan na niya akong hinila para makapunta sa poolside kung nasaan ang pamilya niya. Agad namang tumayo si Donya Guada at nakangiti akong sinalubong ng yakap. “Oh,