Bago pa ako tuluyang makalabas ng gate ay hinigit na ni Havoc ang braso ko. Sobra akong nanghihina sa mga nalaman. At sobrang sakit kasi pakiramdam ko ay wala akong nagawa para ipagtanggol si Tita mula sa mga panlalait nila kanina sa amin. “Jara, sasamahan kita,” mababa ang boses na saad niya. Wala akong lakas na makipagtalo kahit na ayoko na sana siyang isama pa doon. Masyado akong nasasaktan na umaabot pa sa puntong hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Patakbo namang pumunta si Havoc sa garahe para kunin ang sasakyan niya, naghintay naman ako sa may gate at sumakay nang nasa harap ko na siya. “Jara, I’m really sorry about what had happened,” nag-aalalang saad niya habang nasa sasakyan kami, patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. “Havoc, umuwi ka na pagkahatid mo sa aki