I woke up without Havoc on my side. Kumunot ang noo ko kasi ang akala ko ay kahit na mauuna siyang magising ay hindi siya aalis sa tabi ko at hihintayin niya akong magmulat din ng mga mata. Hindi ako agad tumayo. Medyo nakiramdam ako at bahagyang nakinig ng lagaslas ng tubig mula sa banyo, baka kasi sakaling nandoon siya, pero wala. Sobrang tahimik ng bahay namin. I took a glance at the wall clock and found that it’s already six in the evening. Napanguso pa ako sa ideya na iniwan niya ako rito sa kuwarto namin pero hinayaan ko na lang. Agad akong nagpasyang tumayo at lumabas ng kuwarto, umaasa na sana ay nasa sala lang siya at nanunuod ng telebisyon, o kung hindi kaya ay nasa kusina pero wala talaga siya. Malamang ay nasa kabilang bahay iyon para ibalita sa kanila ang pagbubuntis ko, la

